Chapter 8

76 5 0
                                    

Chapter 8: Scared to Death

Rica

Balisa ako. Hindi ko na magawang makinig pa sa itinuturo ng aming guro sa amin. Para bang wala sila sa aking paligid. Ito ang unang beses na pag-absent ni Danica.

Simula noong pasukan, hindi siya umaabsent. Kung a-absent man ito, pero kaagad na magsasabi. Pero hindi. Wala man lamang akong natanggap na text o tawag mula sa kaniya.

Kanina pa akong hindi mapakali.

Kaagad naman itong napansin ni Belinda ng matapos na ang una naming klase, kakaunti ang mga estudyanteng natira sa classroom.

"Hey, bakit tulala ka?" napakunot pa ang bagong ahit nitong kilay.

Kaagad akong napalingon magulo pa rin ang isipan ko.

"Masama ang kutob ko be." Hindi ko alam, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Napalingon ako sa kanya at bakas sa mukha ko ang pag-aalala. Hindi ko magawang tawagan si Danica dahil wala akong load. Bukod doon wala rin akong numero ng telepono ng mga magulang nito.

"Bakit hindi natin puntahan mamaya, tutal naman malapit na ang friendsarry natin e." napangiti pa si Belinda. Nawala sa isipan ko ang kaninang bumabagabag sa akin.

Muking nagsibalikan ang aking mga kaklase at nagsimula na ang ilawang subject namin para sa raw na ito.

-*-

May isang babae ang nakaupo sa bandang unahan ng kwarto, habang nagdidisscuss ang kanilang guro ay walang humpay rin ito sa pakikipaglandian sa katabi nitong lalaki.

Matagal na niyang gusto ang lalaking ito. Pero masyado lamang pakipot kung kaya't hindi niya kaagad ito maging nobyo.

Natapos na ang kanilang klase para sa ikalawang subject pero kabuntot pa rin nito ang kaniyang gustong lalaki.

Miski ang lalaking ito ay parang galak na galak pa sa pakikipaglandian sa naturang babae.

Wala namang pakielam ang mga ibang kaklase nito dahil bukod sa masama ang ugali ng babae, ay kinaiinisan rin ito ng lahat ng dahil sa pagiging malandi.

Danica

Ganito pala kapag malapit ka nang mamatay. Ang bilis ng takbo ng oras, bumabalik ang mga masasayang ala-ala sa aking buhay simula ng pagkabata ako.

Hapon na, umuulan ng malakas, nagagalit na rin ang langit.

Napangiti ako, ng maalala ko ang mga masasayang araw na naranasan ko sa tanang ng buhay ko.

Pumaling ako kahit na hindi na maayos ang aking paghinga. Nanghihina na rin ako. Katabi ko si mama habang natutulog dito sa loob ng kwarto sa Hospital.

Hindi ko na kaya.

Masyaso nang magulo ang isipan ko. Nanghihina na rin ako, nagkalat na ang maraming pasa sa katawan ko.

Matagal ko itong itinago sa aking mga kaibigan. Dahil ayaw kong pati sila ay madamay sa aking paghihirap. Hindi ko kayang makita ang dalawa kong bestfriend ay magdudusa din ng dahil sa sakit.

Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko, dahil alam kong ito na ang huling araw ng buhay ko sa mundong ibabaw. Hindi na ako umaasa pa sa mga himala.

Ayoko pang mamatay, ayaw ko pang iwan ang aking pamilya. Letche namang sakit 'to kung hindi  sana amo nagkaroon nito hindi sana ako nagdudusa ngayon.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon