Chapter 17: Leech
Hazel
Lumabas ako ng kwarto dahil sa init ng dugo ko sa mga OA kong kaklase, nagkakamatayan na kami dito puro katangahan pa ang ipinaiiral. Senior High School na kami bakit walang gumagawa ng paraan para makaalis sa eskwelahan na to? Kung hindi sila gagawa ng paraan pwes, gagawa ako.
Ayokong maagnas at mamatay ng walang kalaban laban sa killer na yon. Isa pa ang killer na to, kung hindi ka naman tanga at kalahati bakit mo bibigyan ng sim card ang iyong mga papatayin? Nagpapatawa ba sya? Sa sobrang lalim ng iniisip ko nakarating na ako sa school lobby, tanging mga tunog ng aking mga sapatos ang maririnig sa gusaling ito.
Napalingon ako sa ng tila ba naramdaman kong may sumusunod sa akin, ngunit isang malamig na hangin lamang ang sumalubong sa aking mukha at natatanaw ko mula sa aking pwesto ang pagpatay ng ilaw sa Room 303. Hudyat na tutulog na ang mga kaklase kong gunggong. Nang maramdaman kong may tao sa likod ko muli akong humarap.
"Sino yan? Wag nyo kong lokohin, hindi ako nakikipagbiruan sa inyo mga gunggong! " sigaw ko sa buong pasilyo nag echo pa ito dahil sa sobrang katahimikan. Napahinga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan kong makahanap ng susi para makalabas ng school na to. Pumasok ako sa lobby at malinis na ito. Dahil siguro nilinis ng mga kaklase ko.
Pagpasok ko sa loob may pinto sa kanang bahagi ng kwarto malawak ang lobby kung pagmamasdan ito. Ang mga silya ay magulo na nakapalibot sa gilid. May tv akong kaharap, sa gawing kanan may mahabang lamesa maaring ito ang accomodation area, sa gawing kaliwa ko, ang cashier.
Nagpasya akong lumapit sa front desk ginalugad ko ang bawat drawer nagbabakasakaling makakita ako ng susi. Ngunit bigo ako, lumapit ako sa pinto na nasa likod ng front desk na ito kadami ng mga plaka na nagpapkita kung gaano kagaling ang eskwelahan na ito. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit nakalock ito. Kaagad akong naghanap ng bagay na pwedeng maipukpok para mapasok ko ang pinto na ito. Di naman ako na bigo at nagkita ako ng isang sirang silya. Hinawakan ko ito at inihampas sa doorknob hanggang sa masira ang seradura ng pinto.
Madilim at maalikabok ang kwarto tanging ilaw lang na nagmumula sa aking cellphone ang nagsilbi kong liwanag sa kwartong ito. Nakabalot ang ilang gamit ng puting tela. Naglakad ako at tanging mga yabag ko lamang ang naririnig sa kwartong ito. Napabalikwas ako ng biglang natumba ang isa sa mga lumang tropeyo na nakapatong sa malikabok na lamesa.
"Fck" bulalas ko. Binilisan ko na ang paghahanap ng susi ngunit bigo ako, ngunit pagpaling ko isang biglang nahulog ang telang nakabalot sa isang salamin na basag. At naaninag ko mula sa liwanag ang isang imahe ng babae, nabalot ng takot at kaba ang sarili ko kaya nagmadali na akong umalis ng kwarto ngunit natakid ako sa paa ng isang armchair at bumagsak sa sahig. Babangon na ako ng biglang may dalawang pares ng paa sa unahan ko.
Kaagad kong inangat ang aking kamay para humingi ng tulong ngunit tinabig lang nito ang kamay ko at sinipa ako sa mukha.
"Tangina ano bang problema mo?!" bulahaw ko sa kanya. Naramdaman ko ang sakit ng ilong ko ng tumama ang paa nito kanina. Kaagad akong nanghina at nawalan ng malay ng maramdaman ko na alang ang paghampas ng isang matigas na bagay sa ulo ko.
-*-
Kyla
"Wala ba talaga kayong balak na hanapin si Hazel?" nagaalala na ako sa aking kaklase kahit na masama ang ugali n'on. Hindi ko rin naman maatim na may mawala pa sa amin.
"Sige lumabas ka, at ng ikaw naman ang sumunod na mamatay, " Trixie,
"Bakit ba parang wala kayong pakialam don? Hindi maatim ng sikmura ko ang mamatay ang kaklase natin ng dahil sa kapabayaan natin." bumuhos na ako sa sobrang inis. Kaya napilitan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Ngunit bago ako makalabas ng kwarto narinig ko kung paano umimik ng pabalang si Samantha.
"Tingnan mo nga naman ang tangang to, nagpapaka-bayani. Hindi na ako magtataka kung bukas e naagnas na ang katawan mo." napalingon ako sa sinabi nito at kasabay nito ang paghawak ni Hanz sa kamay ko.
"Kami na ang bahalang maghanap kay Hazel." nakaramdam akong ng pagkalma at nawala ang aking pagkabalisa.
"Sino gustong sumama sa akin?" binuhay nito muli ang ilaw at nabaling ang atensyon ni Hanz sa ilan sa mga kaklase ko, isa-isang tumayo ang mga kaklase kong lalaki
BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystery / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember