Chapter 13: Group Selfie
Rica
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Masakit ang mga ito, napabalikwas ako ng muli kong maalala ang wala nang buhay na katawan ng aking kaibigan na si Belinda.
Kaagad akong napatakbo patungo muli sa likod ng Lobby na kung saan doon namin natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng aking kaibigan na si Belinda.
Iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa isang karumal-dumal na krimen mawawakasan ang buhay ng kaibigan kong si Belinda.
Hindi ko na namalayang sumunod pala sa akin ang mga kaklase kong sina Sheena, Caitlyn, Rosie, at iba ko pang kaklase. Ni hindi ko sila nagawang pasalamatan matapos akong tumakbo palabas ng Room 304.
Ang sama ng loob ko para sa mga kaklase ko ni hindi man lang nila nagawan ng matinong kalalagayan ang bangkay ng kaibigan ko.
Masyado silang maka-sarili. Mga walang puso.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa kinahantungan ng kaibigan ko. Halos masunog na ang mukha at buhok nito hanggang dibdib, maging ang kalahati nitong mukha, bagas ng maraming sugat na pahaba ang korte. At ang dibdib nito ay mayroong tubo na lumampas sa likod nito. Ang umagaw ng pansin ko ay ang ibabang parte nito kapansin-pansin ang butas sa pribatong parte nito. At ang mga kamay at paa nito ay bakas ng mga sugat. Maging ang bibig nito ay may busal pa rin isang panyo.
Napaiyak muli ako dahil sa kinahantungan ng bestfriend ko, bakit? Bakit kaagad silang nawala sa akin. Bakit napaka malas ko. Ni hindi ko man lang sila naipagtanggol. Wala akong nagawa. Napahagulhol ako dahil sa konsensyang nararamdaman ko. Muli akong niyakap ni Sheena.
"Ayusin natin ang bagkay ni Belinda." mugto rin ang mga mata nila nang matapos akong makaiyak. Suhesttiyon ni Rosie. Napagpasyahan naming ilagay siya sa likod ng recto na kung saan doon rin namin natagpuan ang wala nang buhay na si Dominic noong nakaraang linggo. Tinakluban namin ng plastik ang bangkay ni Belinda na nanggaling sa Stock Room ng eskwelahan.
Pabalik na kami ng kwarto ng mapansin ni Rosie na parang may inaalala ako.
Rosie
Lahat nagbabago, walang nanatili. Lahat nagiiwan. Lahat nasasaktan. Yan ang mga katagang aking natandaan mula sa isang libro na nabasa ko. Tama, lahat nagbabago. Maging ako, nagbago ang Rosie na dati'y isip bata. Nakakabagot.
Nagbabasa ako ng biglang lumabas ng kwarto ang kagihising pa lamang na si Rica, wala na kaming nagawa nina Sheena, Caitlyn, Fritz, Diether, at si Alvin. Ang iba kong kaklase ay naiwan sa dalawang kwartong ini-assign sa amin.
Tama nga ang hinala ko, sa likod ng Lobby ang tungo ng naghihinagpis kong kaklase na si Rica. Mugto ang mata nito ng magising pero hindi alintana sa kaniya ang pag-iyak dahil sa nawala niyang kaibigan. Maging ako hindi makapaniwala sa kinahinannat ng kaibigan kaklase kong si Belinda. Wala kaming nagawa kundi ilagay ang bangkay nito sa likod ng Recto para hindi mangamoy. Walang puso ang gumawa nito sa kaniya.
Pabalik na kami sa Room 304 ng mapansin kong balisa at hindi mapakali si Rica. Para bang maybitinatago ito.
"Rica? Ayos ka lang ba?" lumapit na ako sa kanila ni Sheena na kasalukuyang kasabay nito sa paglalakad. Nauna na ring maglakad ang ilan ko pang kaklase. Bingyan ako ng nagtatakang tanong ni Sheena ng magtama ang aming mga mata.
Tanging iling lamang ang nataggap ko mula kay Rica. At muli na naman itong nagsimulang umiyak. Ngunit napansin ko ang papel na hawak nito sa kanang kamay niya.
"Ano yang hawak mo?" naguguluhan ko tanong sa kaniya. Hindi ko naman napansing lumabas siya na may dalang tissue o papel kanina.
Iniabot niya ito, nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ko ang nakasulat rito.
BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystery / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember