Chapter 15: Glue the Clue
Rica
Sino si Aileen?
Yan ang mga salitang lipon na kanina pang bumabagabag sa aking isipan. Ni isa sa mga kasama ko, ay hindi ako makapagtanong. Sino ang babaeng ito? Anong kinalaman niya sa mga kaklase ko.
"Ay, pakingshet!" napapitlag ako ng may mga kamay na lumapat sa bewang ko, Si Sheena pala kasama ang isa pang kaklase na si Caitlyn, Diether, Alvin at Fritz. Hiwa-hiwalay kaming mga magkakaklase habang nakaupo rito sa school ground.
Ako, kasama ang mga ito habang naupo na sila sa akin at gumawa ng isang maliit na bilog.
Si Alitha, Cyrus, Cairon, Trixie naman ay masayang nagtatawan na may hindi kalayuang pwesto sa amin.
Si Hanz, Rosie, Analyn, Elliot, Samantha, at Philip naman ay masaya ring nagtatawanan habang nakahigasa damuhan at nakatingin sa mga bituin sa langit.
Medyo may kalayuan sa pwesto namin ang tatlong magkakaibigan na sina Eternity, Lim, Jameson na masayang nagtatawan sa veranda ng second floor ng building ng Magsaysay.
Sina Hazel, Brent, Justin, Kyla, Xyriel, ay mukhang seryoso naman sa kanilang mga pinag-uusapan.
Parang wala kaming mga problema, parang hindi nila iniisip ang mga taong nawala sa amin. Hindi ko lubos maisip na hindi nila iniisip ang nawawala naming kaklase na si Henjie. Parang wala lang sa kanila. Tanaw ko rito ang mga ngiti nila sa mga mukha. Mga maamong mukha.
"Baka naman nag-iikot lang sa buong campus si Henjie." Alvin.
"Ngani! Kung nag-iikot yun edi sana kanina pang nakabalik." Sheena.
Nabalik ang ulirat ko ng dahil sa pagtatalo ng mga ito patungkol sa pagkawala ng kaklase kong si Henjie. Napansin kong tumayo na ang ibang grupo ng ng mga kaklase ko.
"Sheena," pagtawag ko rito. Napagpasyahan na naming matulog dahil unti-unting dumidilim na rin. Hindi rin namin nagawang makalabas ng eskwelahan dahil bukod sa mataas ang pader nito may roong limang padlock sa ang gate. Nawawala rin ang susi ng gate kaya't wala kaming nagawa para lumabas.
Wala ring masyadong tao ang dumadaan sa eskwelahan namin dahil bukod sa masukal na ang daan patungo rito may apat pang kanto bago mo makita ang grupo ng mga bahayan.
Wala ring nagtatangkang pumunta sa school para magnakaw dahil hawak ito ng ng lokal na gobyerno ng Sta Monica. At oras na mahuli lang nagnakaw rito o gumawa ng kung ano. Walk of shame ang kahahantungan mo at makukulong ka pa, may pagkakataon rin na baka mapa deport ang pamilya mo sa ibang bayan.
"Bakit?" huminto ito at hinintay ako para magkasabay kami.
"Sino si Ai--" naudlot ang pagtatanong ko sa kanya ng bigla itong tinawag ng kaklase kong si Alvin.
"Sheena! Bilisan nyo kailangan n'yong malaman to!" malakas na sigaw ni alvin mula sa ikalawang palapag ng Magsaysay.Muli akong kinabahan sa narinig kong iyon. Sa bawat minutong lumilipas, sa bawat sigaw na binibitawan ng isa sa mga kaklase ko, kaagad akong natataranta. Hindi ko alam kung bakit.
Naalala ko na naman
Hingal na hingal kaming nakarating sa ikalawang palapag ng Magsaysay building lahat sila nakatingin sa oani-kanilang telepono.
"A-anong nangyari?"hinihingal parin si Sheena habang napahawak sa kaniyang tuhod.
"Nawala ang lahat ng applications ng phone natin, facebook, twitter, messenger at kung ano-ano pa. Ang tanging itinira lamang ay ang contacts natin sa bawat isa." naluluhang panayam ni Alitha."Maging ang laptop kong dala, nasira din." Cyrus. Kaagad akong napatakbo patungo sa aking bag para halikwatin ang aking gamit. At nang makita ko na ang aking pakay. Kaagad ko itong binuhay, pero wala. Walang ilaw na lumabas na senyales na ito'y nabuhay.

BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystère / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember