Chapter 10: Passed the Message
Maagang pinalabas ang mga estudyante ng Sta Monica Senior High School ng dahil sa insidenteng nangyari kanina. At mas lalong tumindi ang tensyon sa bawat estudyante lalo na ang Section S3-D.
Hazel
Ang aga-agang pinalabas. Hindi na tuloy ako makakagala sa SM nito. Iritado akong lumabas ng classroom namin. Hindi ko na naisipan pang maglinis ng classroom. Kaya na nila yun. Jusko. Ako ang unang nakalabas ng classroom namin. Sa totoo lang tumakas ako. Masyadong nakakabagot st nakakasawang tingnan ang mga plastik nilang mga mukha.
Naglalakad na ako sa hallway ng makarinig akong ng ilang mga bulung-bulungan patungkol sa amin. Wala din habas ang ang mga titig na ipinupukol nila sa akin. Wala naman akong nagawang kasalanan para titigan nila ako.
Mga titig na kinaiinisan ko. Ang hilig kasing manghusga base lamang sa nakikita ng kanilang mga mata. Nakakabwisit ang mga estudyante ngayon. Sarap tusukin ng mga mata.
"Hindi ba isa iyan sa nga estudyante ng S3-D? tanong ng isang babaeng nakawater-fall braid. May pagkapandak ito. Maitim. May bilugang mga mata. Siguro isa sa mga ka tear level ko ito.
Hindi ko sila pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na andaming nakatitig na mga mata sa akin.Ngunit kaagad na nagpanting ang aking tenga sa aking narinig.
"Baka naman may sumpa ang section nila?" boses ng babae ang narinig ko mula sa aking likod.
"Baka nga. O baka naman isa sa kanila ang mga pumatay, balita ko kasi nagpla-plastikan lamang ang mga kasection niya e." wala na akong inaksaya pang oras."Anong sabe n'yo? Isa sa amin ang pumatay sa aming kaklase?" napalakas na ang aking boses kung kayat naagaw ko ang atensyong ng ibang estudyanteng nag-aayos ng sarili at naghahandang umuwi.
"Bakit hindi ba?" mapanginis na tanong ng isang babae, magkasing tangkad lamang kami nito. Bagong guhit ang kilay nitong sunog. Nakakairita.
"Ang lakas din ng loob mong mambintang ano?" naiirita na ako sa kaniya. Masyadong papansin. Gusto niya ng gulo? Pwes pagbibigyan ko."Bakit totoo naman di 'ba? Nagpla-plastikan pa nga kayong magkakaklase e." umabante ito halatang naghahamon ng away. Nang-gagalaiti na ako sa sobrang inis. Madyadong maramibg alam. Ginalingan masyado.
"Oh? Anong pakielam mo, daldalita? Ang hirap sa'yo naniniwala ka sa sabi-sabi hindi pa naman napapatunayan ng iyong sarili." tinaasan ko ito ng kilay at nagcross arms pa. Ngukisi rin ako para mainis siya ng sobra. Hindi nga ako nagkamali.Kaagad niya akong sinugod. Dumampi sa aking mga buhok ang matatalas niyang kuko. Galit na galit ako nitong sinabunutan. Nakahanap ako ng tamang posisyon ngayon ako na ang nasa ibabaw. Kaagad kong iwinasiwas ang buhok nito pakaliwa't kanan. Inihampas ko rin ang ulo nito sa sahig.
Wala akong ibang marinig kundi ang hiyawan ng ibang estudyante ang mga yabag ng mga nagmamadaling estdyante papalapit sa aming kinaroroonan.
Hindi ko napansin ang isa pang babae sa likod ko na tumulong sa babaeng kaninang inihampas ko ang ulo. Nahigit ako nito patayo. Nawala na rin sa likod ko ang aking backpack. Kita ko kung paano tumayo ang babaeng kaninang aking inihampas.
Hinigit nito ang aking hanggang balikat na buhok.Agad ako nitong iwinasiwas. Ramdam ko rin ang isa pang babae na sumasabunot sa buhok ko. Muli akong akahanap ng tiempo at nasipa ko sa tiyan ang babae kaninang nasalikod ko. Na ngayon ay magkatulong silang humihigit sa buhok ko.
Tumilapon ito at napahiga habang hawak ang kaniyang tiyan. Higit higit pa rin ako nito ngunit kaagad kong nahaklit ang blouse na siyang naging dahilan para lumantad ang patag nitong dibdib.
Lumayo ito sa akin at pilit na tinatakpan ang sarili. Kasunod nito ang pagdating ilan ko pang kalase.
"Hazel!" sigaw ni Alitha. Kaagad nito akong hinawakan sa isang braso. Pinipigilan nang tumigil sa pagsugod ko pang muli.
"Ano? Puro lang pala kayo yabang e!" sigaw ko sa babaeng kaninang hinambalos ko ang ulo. Siniringan ako nito.
"Mga mamamatay tao kayo! Isinumpang section!" sigaw nito. Bago tuluyang umalis nagsimula ring umalis ang mga kumpol naming kapwa estudyante.
BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystery / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember