Chapter 16: Tableu
"Hazel," sambit ko, bago ako pumikit ng mariin. Dapat pala sinabi ko na sa taong ito ang totoo. Pero huli na ang lahat ng mapagtanto ko.
Naalala ko ang babaeng isa sa mga pinaka mahalaga sa akin. Ang babaeng naging dahilan para ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa eskwelahang ito. Pero ng dahil sa lalaking iyon nasira lahat. Nasira pati ang relasyon namin ni Hazel.
Magnobyo kami ni Hazel noong nasa Junior High School pa lamang kami, masaya at puno ng pagmamahalan ang namamayani sa aming dalawa. Ngunit dahil sa isang pangyayari, nabago ang lahat. Nawala ang pagmamahal sa akin ni Hazel. Naghiwalay kami ng dahil sa kanya.
Ng dahil sa pagmamagaling niya. Hiniwalayan ako ni Hazel at dahil y'on kay Hanz. Ng dahil lamang sa kanyang ginawa noon humanga ang babaeng mahal na mahal ko. At ng dahil rin doon yumabang ako. Nagbago ang pakikitungo sa ibang mga estudyante maging sa mga kaklase ko noon. Kailan kong maging mayabang para maipakita ko sa kanila na hindi ako naapektuhan sa kanila.
Pero ang akala kong kayabangan ay magiging dahilan para makaganti ako sa kanya, pero hindi pala. Isang akala lang ang lahat. Mas lalo akong kinamuhian ni Hazel ng dahil sa kayabangan ko. At dahil sa kayabangan ko andito ako sa bingit ng kamatayan. At hindi ko nagawang higitan ang lalaking katungali ko sa puso ni Hazel
"Handa ka na?" nauulol na ang taong ito, hindi pa ako patayin masyadong maraming dada.
"Patayin mo na lang ako!" hinang-hina na ang katawan ko. Namamanhid na rin dahil sa sugat na natamo mula sa taong ito.
"As you wish."
"Aaaaaaaah!"
Isang malakas na palahaw ang binitiwan ko ng dahil sa sobrang sakit.
Rica
"Susunod ka na." malamig ang boses nito na dumadampi sa aking mga balat, na nagmula sa kaniyang bibig, na naging sanhi para tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Hindi kaagad ako nakagalaw ng dahil sa sobrang takot mula sa lalaking nasa aking likuran. Na anumang oras ay maari niyang lagutan ako ng hininga sa loob ng ilang minuto. Nagsimula nang mamuo ang aking mga luha at masagana itong dumausdos sa aking mga pisngi. Pero kaagad rin itong nawala. At ang takot na namuo sa aking dibdib ay napalitan ng pagkainis.
"Joke lang!" tumawa pa ng malakas si Hanz ng dahil sa kalokohan nya.
"Dakyu ka!" sinapak ko ito sa dibdib at saka ako dumistansya sa kanya. Ang gagong 'to nagawa pa akong biruin ng ganoon. Samantalang nasa sitwasyon kaming halos namamatay ang iba naming mga kaklase."Bakit ka umiiyak?" may halong pagtataka ang bumalot sa mukha nito. Tanga din 'to e. Ikaw ba naman ang takutin ng ganon tapos hindi ka iiyak?
"Bwiset ka!" binigyan ko lang ito ng masamang tingin. Hindi nakakatuwang biro ang ginawa ng gunggong na 'to."Ewan ko sayo." iniwan ko ito sa kaniyang kinatatayuan at saka naglalakad papalayo rito. Ang lakas din ng sapak ng lalaking ito e. Masyadong mahangin. Ang lakas ng trip. Muli ko namang naramdaman ang presensya nya sa aking likod pero hindi ko ito biniyang pansin. Ilang hakbang na lang at malapit na kami sa gusali ng Magsaysay ng makarinig kami ng isang malakas na kalabog mula sa isang gusali sa likod ng Lobby. Ang gusali ng Recto.
Nagsimula muling kumabog ang aking dibdib. May mga parang dagang nag-uunahan. Kinakabahan na naman ako. Nilingon ko si Hanz mula sa aking likuran. Titig na titig ito sa gusali na kung saan nakarinig kami ng isang malakas na kalabog.
Tumakbo ako patungo sa kwarto ng Room 303 na kung saan doon natutulog ang aking mga kasamahan. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa nasabing kwarto ay, nakasalubong ko na sila sa hagdanan. Maaring nagising din sila sa malakas na kalabog na narinig namin kanina mula sa labas.
BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystère / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember