Chapter 1

1.6K 32 0
                                    

Bea's POV

Pumunta na ako sa kaninang sinabi ni ate Ly. I'm not yet fixing my things pa pero later na lang. Nakita ko na rin yung iba naming teammates at feeling ko ay kumpleto na naman kami.

"Okay, guys!" Pagkuha ni ate Ly ng aming atensyon.

"So here are our schedule for our trainings. For every morning may training tayo, 6 AM to 7 AM, okay? 6 AM. Not 6:01 but 6 AM." I got it naman na kailangan laging on time. Bawal malate. "Our morning training will be from Mondays to Saturdays. We don't have training on Sundays, okay?" Ohhhh. So everyday bugbugan pala 'to.

"In the afternoons naman, 4 to 6, got it? So bale, we have trainings in the morning and afternoon. Is everything clear? Any questions?" Hays. I know this is going to be hard.

"Wala na? It's already 7 kaya let's go na, we'll eat na." Yes!! I'm a little bit hungry na din kasi.

We all sit sa chairs and I just noticed na katabi ko si black dwarf. Nasa left ko siya while si ate Ella naman sa right. Ayokong katabi 'to. Baka mamaya di ako makakain ng ayos. Kaya I decided na makipagpalit kay ate Ella.

"Ate, can we exchange seats?" I said at parang nagulat si ate Ella.

"Why? Ayaw mo bang katabi si Jho?" At sinabi pa niya talaga yung pangalan ni black dwarf. Nakakabingi yung pangalan niya. Naririnig ko pa lang naiinis na ako.

"H-hindi n-am-an po. I just think mas relaxing yung chair mo. Hehe." I awkwardly smile kasi baka mabuko ako na ayoko talagang katabi si black dwarf.

"Okay, sure baby besh." Buti naman at pumayag siya kaya ang katabi ko na ngayon ay si ate Ella pa rin pero nasa left ko na siya then si Mich sa right ko.

Hindi ko naman napansin na kami lang pala ni ate Ella yung nagsasalita kaya all eyes were on us, samin ni ate Ella.

"Okay, Bea please lead the prayer." Narinig kong sinabi yon ni ate Ly. And buti na lang ready ako.

***

Jho's POV

Bukas na ang start ng training namin. Magreready na ako ngayon pa lang. I think this will be tough according sa mga naririnig ko.

"Uy, Jhoana!" Nakakagulat naman 'tong si ate Ella.

"Bakit po, ate Ella?"

"Kanina pa ako dito nagsasalita, di ka naman nakikinig. Nakakainis ka naman e!" Reklamo niya. Narito kami ngayon sa room namin ni maputing poste. Si ate Ella lang kasama ko dahil mukhang may pinuntahan pa si maputing poste kahit gabi na.

"Ay sorry po ate Ella. Medyo pagod lang."

"Okay sige na nga. Punta na ako sa kwarto namin. Magpahinga ka na." Nagpaalam na siya sa akin at tumayo na.

"Sige po ate. Goodnight."

"Sige Jho. Goodnight din."

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Kaya't magisa na lang ako dito sa kwarto namin. Ewan ko ba, feeling ko pagod ako pero hindi naman ako dinadapuan ng antok. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Oh? Ba't parang gulat na gulat ka?" Tanong ni maputing poste.

"Uso kasi kumatok." Pambabara ko.

"Kwarto ko rin naman 'to ah. I don't need to knock." Sagot niya at eto na naman kami, nagkakainisan na naman.

"Whatever." Tinapos ko na usapan namin at humiga na sa kama ko.

"Uy, black dwarf."

"Ano?"

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon