Jho's POV
"Sandali. Sandali!!!" Sigaw ni ate Ells. "Akala ko ba laro 'to? E bakit may naglalandian?"
"Oo nga, te Ells. Lakas talaga ng Valdez at De Leon." Hirit pa ni Mads.
"Walang gagalaw!!!" Sabi ni ate Ells at di ko alam yung ginagawa nila Mads kasi nakatalikod ako sa kanila. Mukha namang okay lang sa teammates namin dahil wala akong narinig na hindi pag-sangayon.
Nagulat na lang ako nang dumaan si ate Ells na may dalang phone at... kinukuhanan kami ng video. Ay shocks!!! Lumapit pa samin si ate Ells at nagsalita, "Eto oh! Eto! Ang lalandi! Ang haharot!!! Ang haharot niyo Jho at Bea!"
Okay. So si Beatriz pala yung napartner ko. Humarap na ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti ng nakakaloko. Bigla naman niyang inilapit yung mukha niya kaya't napatingin ako ng diretso dahil baka kung anong gawin neto. Naramdaman kong idinikit niya yung mukha niya sa mukha ko. "Naglalandian ba tayo? Di ba hindi naman?"
Umiling naman ako pero naconscious ako at napatingin sa tayo namin na magkayakap then nakadikit pa yung mukha niya sa mukha ko.
"So ano na? Yakapan na lang tayo dito?" Narinig kong sabi ni Mads at tumawa.
"Etong AlyDen!! Nakikita kayo ng mga bata!! Maghunos dili nga kayo!!" Bulyaw ni ate Ells kina ate Den at ate Ly na magkayakap din. Yung yakap nila at parang yung yakapan namin ni Beatriz pero si ate Ly yung nakabackhug kay ate Den. "Ayan tuloy ginaya kayo netong sina Bea at Jho."
Naghiwalay na din kami after 1415 years. Choz
"Guys!!" Nagulat kaming lahat sa boses na narinig namin. Nakita namin si Trey na tumatakbo palapit samin kasama yung iba pa naming teammates.
Nakumpleto na kami then after ilang minutes ay dumating na din sina coach. Mabilis na natapos ang training namin at nagsipagbalikan na kami sa dorm. Sumabay ulit ako kay Beatriz kasama sina ate Ells at Jia.
Habang nasa kotse kami ay biglang nagsalita si Beatriz.
"Jho."
"Hmmm?"
"Samahan mo 'ko."
"Saan?"
"Sa bahay."
"Sa bahay niyo? E bakit kasama ako?" Kumunot ang noo ko sa trip na naman netong si Beatriz.
"Basta."
"E bak-----
Naputol yung sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko ng kanang kamay niya. Bastos!!"Wag kang maingay. Baka magising yung dalawa." Tinanggal din naman niya yung kamay niya sa bibig ko. Humanda ka Beatriz. Bubungangaan kita!!! Nakakainis ka! BASTOS!!!
"HOY! MAPUTING POSTE! KUNG INAAKALA MO NA MAKAKALADKAD MO AKO KUNG SAAN-SAAN PWES NAGKAKAMALI KA!!! HINDI MO AKO BODYGUARD NA KASAMA MO LAGI!! NAIINTINDIHAN MO BA?!" Napapreno siya sa sobrang gulat niya kaya't nagising yung dalawang KST, kulang sa tulog. Malapit lang naman ang dorm pero nakatulog pa rin sila.
"Ano ba naman?!" Sigaw ni Jia.
"Hoy! Kayong dalawa? Ano ba?! Ang ingay niyo!!!" Dagdag pa ni ate Ells.
"Andito na po tayo mga madam." Ay kaya pala siya pumreno kasi andito na kami. Bumaba na yung dalawa at bababa na rin sana ako nang pigilan ako ni Beatriz.
"I told you samahan mo ako."
"Hindi pwedeng magbihis?" Pambabara ko kasi naiinis na talaga ako dito sa maputing poste na 'to.
"Sige. I'll wait for you."
Umakyat na ako ng dorm at nagpalit na. Ilang minuto lang ay natapos na ako kaya't bumaba na rin ako kaagad. Nagulat ako nang wala akong makitang kotse ni Beatriz. Ano yun? Iniwan ako? Bastos talaga kahit kelan. Sa sobrang inis ko ay umakyat na lang ulit ako pero nagpunta ako sa room nina ate Ells. Kumatok ako ng ilang beses pero walang nagbubukas. Nagtaka ako dahil lagi namang maingay yung room nila pero ngayon, parang walang tao. Pumunta ako ng room namin at humiga. Badtrip 'tong araw na 'to. Matutulog na nga lang ako.
BINABASA MO ANG
Tadhana [ON HOLD]
FanfictionSa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo... - jhoana. beatriz. jhobea.