Chapter 2

1.4K 28 3
                                    

Jho's POV

"Bakit mo naman ako tinitingan?" Tanong ko kay maputing poste. Lakas ng trip neto. Umupo ba talaga siya sa kama ko para tingnan ako? Lakas trip ha maputing poste.

"Ang cute mo kasi." Sagot niya. Luh. Nangangamatis yata ako. I felt na namula nga ang pisngi ko.

"Beatriz." Yun na lang ang tanging lumabas sa bibig ko at nakita kong nagulat siya.

"What did you say?" She said na parang nakakita ng multo.

"Beatriz?" Na-awkwardan na tuloy ako kaya naging patanong na yung pagkakasabi ko ng 'beatriz'.

"Wow. I think this is the first time na tinawag mo ako sa totoo kong pangalan." Inemphasize pa niya talaga yung totoo. "You always call me na maputing poste. Diba?"

I slowly nodded. Tapos nakita ko siyang ngumiti. Ang cute niya din pala hehe. Nubayan, Jhoana?! Wag mo ngang isipin yang si maputing poste.

"Can you call me like that na lang? Nakakabadtrip kasi kapag tinatawag mo akong maputing poste."

Tumango nalang ulit ako. Nawala na yata ako sa sarili dahil sa mga pangyayari. Humiga na lang ako at nagtalukbong.

"Uy, Jho." Narinig kong sabi niya. Ibinaba ko naman yung kumot ko at umupo.

"What?"

"Nagka-boyfriend ka na ba?" Halos mabilaukan ako sa narinig ko.

"H-ha?"

"I said kung nagkaboyfriend ka na?" Ulit pa niya.

"O-oo."

"Talaga?" Then she gave me a weh-di-nga-look.

"Oo nga. Ikaw ba?"

"Hindi pa." Sagot niya confidently. Shocking naman 'to. Hindi pa talaga? "Pero nagka-girlfriend na ako."

"Girlfriend?!" Ay napa-OA yata ako.

"Nakakagulat ba?" Tanong niya na parang wala lang sa kanya.

"I thought you like----

"You thought I like boys?" Pinutol niya yung sasabihin ko and she's right.

"Yeah." Yun na lang ang lumabas sa bibig dahil di ko inexpect yun noh.

"Kung ikaw ba, kaya mo bang pumatol sa babae?" She asked curiously.

"Oo naman. Kung ikaw nga lang."

"Kung ako lang?" Ano bang sinabi ko? Wait isipin ko lang. 5, 4, 3, 2----- Sht. Ano bang katangahan yung pinagsasabi ko? Ilusot mo yan, Jhoana. Ilusot mo yan. Sinasabi ko sayo.

"U-uhm. I mean kung ikaw nga e. Kaya mo, ako pa kaya?" Palusot ko. Sana umepek hehe.

"Ah. So may chance?" Tanong niya pa ulit. Daming tanong.

"May chance na ano?" Tanong ko din. Bakit uso tanong ngayon e.

"May chance tayo." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. OMG!!!!!!!! DID SHE JUST CONFESS HER FEELINGS TO ME?! "May chance na magkasundo tayo."

Boom. Jho. Boom. Boom. Jho. Boom na boom ka, Jho. Boom basag ka, Jho. Oh ano? Assuming ka kasi.

"A-ah. O-oo naman." Sagot ko. Wala. Mema na lang. Memasagot lang.

"So friends?" Tanong niya na may napakalawak na ngiti sa kanyang pagkakaganda-gandang mukha.

"U-uhm. Y-yeah. S-sure." Bigla naman siyang tumayo at tumabi sakin tapos ay inakbayan ako.

"Tara! Labas tayo. Nagugutom na ako e." Sabi niya sakin at hinila ako patayo.

"May pagkain naman sa baba ah!" Depensa ko. At tsaka tinatamad akong lumabas.

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon