Chapter 7

1.4K 26 0
                                    

Jho's POV

"Ano ba kasing gagawin natin?" Tanong ni bes Nica sakin. Andito kami ngayon sa cafeteria. At tulad nga ng sinabi ko, libre ko siya. So tuwing magkikita kami, ililibre ko talaga siya.

"Picture tayo tas tweet ko maya." Sabi ko tapos nagpose na kami for selfie. Natagalan pa kami dahil yung poses niya puro pabebe, halatang beks. Sabi ko, akbayan niya na lang ako then smile lang. Wag siyang magpapabebe. Sinunod naman din niya yon.

"Oh. Okay na? May klase pa ako. Sige. Una na ako, bes." Paalam niya sakin.

"Sige, bes. Thank you ah." Sabi ko tapos bineso siya.

"Ikaw pala? May klase ka pa ba?" Tanong niya at tumayo na.

"Ah. Oo pero one hour pa vacant ko so siguro dito muna ako."

"Sure ka? Okay ka lang dito?"

"Oo naman. Di naman ako makikidnap dito."

"Okay nga lang daw. Tsaka sasamahan ko naman siya." Nagulat kaming dalawa sa nagsalita. Si Beatriz. May dala siyang tray kaya malamang makiki-table yan.

"Ayan. May kasama ka na. Sige. Una na ako, Jhoana ko. I'll text you na lang later." WAIT NATATAWA AKO. ANO DAW??? JHOANA KO DAW. HAHAHAHAHAHA ANG GALING UMARTE NI BES MYGOSH pero syempre kailangan kong pigilan ang pagtawa ko.

"Sige. Ingat ka." Tumayo ako para ibeso siya ulit shemperrr andyan si Beatriz.

Umalis na din siya after ko ibeso. So naupo na ulit ako. Kaharap ko na si Beatriz ngayon.

"No match naman ako kay Nico." Malungkot niyang saad.

"Hindi naman. Pantay lang naman kayo." Sabi ko at ngumiti.

"Ughhh. I'm dead." Isinubsob niya yung mukha niya sa table. Anong nangyayare sa kanya? Peste ang kulit.

"Hoy!! Ano ba? Patay ka na?" Tanong ko tapos hinampas-hampas siya. Inangat naman niya ang mukha niya na ngayon ay pulang-pula na.

"Wag ka na ulit ngingiti ng ganon ha? Nakakamatay." Sabi niya tapos pinunasan ang mukha niya gamit ang kamay niya.

"Okay?" Sabi ko na lang. "May klase ka pa ba?"

"Yup. One hour pa naman."

"Ah. Talaga? Ako din."

"Yieee. Meant to be tayo." Sabi niya tapos sumuntok sa hangin na parang nakascore lang.

"Ewan ko sayo." Nagfocus na lang ako sa ittweet ko.

@JhoanaLouisse: 💀💀 @nics_evang

*insert picture nila kanina na nakaakbay si Nico kay Jho. Sweet-sweetan HAHAHA*

"Buti pa si Nico. May tweet pa." Narinig kong sabi niya. Nakita na siguro niya agad yung tweet ko.

"Edi ikaw din. Wait lang." Sabi ko tapos nagtweet ako.

@JhoanaLouisse: hi @_beadel

"Hi lang?" Reklamo niya. Aba e anong itutweet ko?

"Reklamo pa?"

"Joke lang. Eto naman di mabiro."

Nakita ko na lang na nagreply siya.

@_beadel: @JhoanaLouisse hello it's me

"Corny." Sabi ko tapos inirapan siya. Nireplyan ko na lang din siya.

@JhoanaLouisse: @_beadel mais mo

"Sayo lang." Sabi niya tapos kumindat.

"Tingnan mo 'tong dalawang 'to. Magkatabi na, magkatweet pa." Nagulat kami nang biglang may ibang boses na nagsalita. Si mamshie Ells kasama si Mads.

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon