Chapter 13

1.1K 13 2
                                    

Jho's POV

Badtrip. Lintek na Beatriz yan. Sigawan ba naman ako. Sa ganda kong 'to, sisigaw-sigawan mo lang ako? Hello??? Kapal mo. Naiirita talaga ako sayong Beatriz ka. Wag na wag kang magpapakita sakin baka makiss kita este mahambalos kita.

"Jho naman, busy kaya yung tao. Intindihin mo na lang." Sabi ni Jia at umupo sa tabi ko.

"Hindi e. Sumusobra na yang Beatriz na yan. Nako talaga. Nakooo. Nang-gigigil ako. Nako ka, Beatriz, qiqil mo c aq!" Sabi ni mamshie at pinirat-pirat yung mukha ni Jia. Hala ginawa ba namang dough yung mukha ni Jia. Grabe lakas talaga ng baboy este elepante este babaeng 'to.

"Grabe naman, mamshie. Hindi ako si Bea! Pinirat mo yung mukha ko e! Gosh nagkalapalit yata ilong at mata ko!" Hays ang gulo talaga ng dalawang 'to kahit kelan. May problema na nga ako tapos ganto pa mga kaibigan mo. Swerte ko no?

"Itulog na lang natin yan!" Sabi ko at humiga sa kama nilang dalawa. Magkadikit yon fyi. Kasya naman siguro kaming tatlo dito. Tatlo kasya at kinaya!!! "Goodnight, Juju. Goodnight, mamshie."

"Goodnight, Jho."

"Goodnight, bes."

One hour later

"Jia? Ate Ells?"

"Jia?! Ate Ells?!" Sino ba yun? Ang gabi-gabi na nangangatok pa. Mukha namang walang balak gumising yung dalawa so ako na lang. Hirap bumangon shet hinihila ako pabalik ng kama kaya ayun, natagalan akong makapunta sa pinto.

Binuksan ko ang pinto habang kinukusot ang kaliwa kong mata. Masyado pa ako inaantok. Napalunok ako nang nakita ko si Beatriz.

"Oh? Bakit diyan ka natulog?" Be strong, Jho. Don't panic. Isipin mo yung tamang mga salita na dapat mong sabihin. Relax. Kalma.

"Wala lang." Ayan. Perfect.

"Tara na. Tulog na tayo." Sabi niya sabay hawak sa wrist ko pero inalis ko kaagad iyon. Ayokong sumama sayo. Naiirita pa rin ako sayo.

"Dito ako matutulog." Simpleng sagot ko. Wow gaano ako kastrong? Akala niyo strong talaga ako? Sana nga. Konting-konti na lang bibigay na ako.

"Jho, tara na." Maotoridad niyang saad. Wag kang papatinag, Jho. Sumagot ka nang maayos.

"Marunong ka namang matulog magisa ah. Hindi mo ako kailangan. Marunong kang huminga. Marunong kang pumikit. Marunong kang matulog nang wala ako." Pero ako? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka. Kaya ngayon, takot na takot na ako. Hindi mo lang ako mabigyan ng konting atensyon, mababaliw yata ako. Hindi mo lang ako matingnan, napaparanoid na agad ako pero kailangan ko 'tong gawin.

"H-hindi k-ko... k-kaya." Nauutal niyang sagot habang isa-isang pumapatak ang mga luhang halatang kanina pa niya pinipigilan.

"Kakayanin mo..." Naiyak na din ako dahil sa sobrang sakit. Una, dahil sinaktan ko yung pinakamamahal kong tao. Pangalawa, ang sakit pala talagang mag-let go. Pangatlo, kasi ang selfish ko. Ni hindi ko man lang naisip na mas kailangan niyang magaral kesa humarot. Ang sakit. Hindi ko na kaya. "Na wala ako."

"Sana nga." Pagkatapos niyang sabihin ang dalawang salitang iyon, nalakad na siya palayo... sa akin.

Isinara ko na ang pinto at saka sumandal dito. Ang qaqo ko!!! Pinakawalan ko lang naman ang tuta ng bayan. Galing ko diba? Nagawa ko pa yon? Syempre, magaling ako eh. Magaling pero natatalo. Natatalo at hindi alam kung kelan makakabawi. Wala. Iiiyak ko na lang 'to.

Huhuhuhuhu

Huhuhuhuhu

Huhuhuhuhu

Huhuhuhuhu

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon