Jho's POV
Kasama ko ngayon si Nico. Golf player siya. Simula nung ipakilala sakin nila ate Ly si Nico ay naging kaclose ko na rin siya. Kanina, nakasalubong ko siya tapos niyaya niya akong kumain. Since vacant ko naman, pumayag ako. So andito kami ngayon sa cafeteria.
"Uhm, bes."
"Oh? Bakit bes?"
"Kilala mo yun? Kanina pa masama tingin satin." Sabi niya tapos tinuro sina... ate Ells at Beatriz?
"Ah. Oo. Teammates ko sila." Sagot ko naman tapos etong si Nico, pinahid yung noo niya in a pabebe way kahit wala namang dumi o pawis. Errrrrr parang bakla.
"Buti naman. Akala ko susugudin na tayo ng mga yan. Ang sama talaga tumingin e." Sabi niya tapos tinapik ako sa braso ko.
"Don't worry. Hindi ka kakainin ng mga yan." Natatawa kong sabi. "Pero bes, pwede magtanong?"
"Ano yun, bes?"
"Bakla ka ba?" Gulat na gulat yung itsura niya. Shocks! Baka naoffend ko kasi naman kung gusto daw malaman, kailangan sa taong yun mismo magtanong. Kesa yung kung kani-kanino magtatanong tapos di mo naman alam kung totoo.
"Hindi ba halata?" Sabi niya tapos naghair-flip kahit hindi naman mahaba ang buhok niya. In short, feelingera lang. Wow. Okay.
"Uy, beks. I mean bes. Favor naman oh." Nakaisip kasi ako ng bright idea. Naisip ko na pagtripan si Beatriz. Kunwari manliligaw ko din si Nico.
"Ano yun?"
"Pwede bang magpanggap ka na manliligaw ko?"
"Juscoco martin naman, bes!! Kung gusto mo ng manliligaw, ipaghahanap kita. Wag lang ako. Jusmiyo. Mula sa kaibuturan ng kalamnan ko, nakakadiri!!!" Maarteng sabi niya. Pinigilan ko naman yung pwede pa niyang gawin tapos nagmakaawa sa kanya. And sa huli, ako pa rin ang nagwagi. Galing ko di ba?
"Thank you talaga, bes!!" Sabi ko tapos niyakap siya.
"Lumayo ka nga. Nakakadiri ka." Bulong niya sakin. HAHAHAHAHA nakakatawa itsura niya.
"Pero sa totoo lang, kaya mong pumatol sa girl?"
"Yuck!! Hindi no!! Never!! Nakakadiri ang mga merlat, di ko keri!!" Baklang-baklang sabi niya. Hanggang ngayon, di pa rin talaga ako makaniwala. Hindi naman ganito 'to nung ipakilala siya sakin nila ate Ly. Pero siguro kapag nakikilala mo pa ang isang tao ay nalalaman mo ang tunay na pagkatao nito.
"Ang arte mo. Mas maarte ka pa sakin. Pero tingnan mo muna kung nakatingin pa. Ano?" Tanong ko at tiningnan naman niya ito kaagad.
"Justemels, bes!! Kung nangangain siguro ang mga mata nung mga yon, kanina pa tayong naitae." PUCHA HAHAHAHAHAHAHA ang saya talaga kapag may kasamang beks. Tawa lang all the way.
"Bakit? Ano bang ginagawa nila?"
"Hala bes!! Ayan, tumayo na. Palapit yata satin." Natatarantang sabi niya. Nataranta na din naman ako kaya't sinubo ko sa kanya yung kinakain kong burger.
"Masarap ba?" Sabi ko nang maramdaman kong nasa likod ko na sila.
"Uhm. Excuse me. Pwede ko bang mahiram si Jho?" Tanong ni Beatriz.
"Gorabeks ka na! Kunin mo na yang si fren!!" Pinandilatan ko naman siya dahil sa pagbebeki language niya. Baka mahalata kami. Nagpeace sign naman siya after ko pandilatan.
"Sige. Thank you." Formal na formal ang manliligaw ko. Inilahad naman niya yung kamay niya tapos inabot ko din naman. Hinila niya ako palabas ng cafeteria tapos si ate Ells, umalis na. May klase yata.
BINABASA MO ANG
Tadhana [ON HOLD]
FanfictionSa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo... - jhoana. beatriz. jhobea.