Bea's POV
Yes naman. Kami na. Finally. Thanks to Mads, Juju at mamshie Ells. Sila kasi ang nagsabi sakin na mahal na rin ako ni baby Jhoana ko. Super happy ko at buti na lang sakto yung timing na nagka-long weekend kami. So pinlano ko na tanungin na lang siya sa El Nido since dun yung napagkasunduang pupuntahan namin.
"Happy ka ba?" At the end of this day, yun pa rin yung pinakamahalagang tanong para sakin. Yun lang yung kailangan kong magawa para masabi ko sa sarili ko na deserve ko ang isang Jhoana Maraguinot.
"Sobra pa sa sobra." Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi.
"Thank you and I love you." Naiiyak kong saad. Sobrang saya kasi sa feeling na bukod sa mahal ka na nung taong mahal mo ay sobrang kaligayahan yung naiidudulot mo sa kanya.
"You're welcome and I love you, too." Sagot niya tapos pinunasan ang luhang kumawala mula sa mga mata ko. "Stop crying na, okay?"
"Sobrang saya ko kasi." Natatawa kong sagot. Baliw na yata ako. Umiyak tapos tumawa. Basta iba kasi yung feeling na ganito. Sobrang inlove.
"Tamo 'to. Iiyak tapos tatawa. Baliw lang?" Napansin din niya. Hays sobrang happy lang talaga ako sa nangyari sa araw na ito.
"Hayaan mo na ako. Minsan lang ako magdrama." Sabi ko kaya't tumawa kami pareho.
Natigil lang ang kulitan at tawanan namin nang may kumatok sa pinto.
"Lovers, kakain na po." Si Mads yun for sure.
"Ano? Tara na?" Tumango naman siya bilang sagot kaya't tumayo na kami para lumabas na ng kwarto.
"Oh? Umiyak ka, Bea? Nako, Jho. Pinaiyak mo na agad. Wala pa ngang 24 hours na kayo tapos umiyak na agad yan." Tuloy-tuloy niyang sabi. Ay ganon? Kasalanan ko agad?
"Hoy, Madayag. FYI, tears of joy yung niluha niya at bakit ang jugder mo? Wala kang alam." Mataray kong sabi sa kanya. Aba napakatabil ng bibig.
"Hehe. Sorry. Love love love tayo dito." Sabi niya sabay peace sign tapos tumakbo papuntang kubo.
Naglakad lang kami papuntang kubo at di na hinabol si madam Mads. Pagkarating namin ay nakita namin na lumalamon na ang tatlong bugok. Di na kami inintay ah? Akala mo mauubusan yung tatlo. Hayup sa paglamon.
"Baby ko, wag ka padadaig sa mga buwaya ah? Kain ka rin ng marami." Sweet na sweet na sabi ko sa pinakamagandang babae para sakin bukod sa nanay ko. Buti di pinansin nung tatlo kasi busy talaga sila sa paglamon.
"Ikaw din. Kain ka din ng marami para di ka na maging poste, puno na." Puno? Puno ng mangga ganon?
"Puno ng ano?" Nagtataka kong tanong.
"Niyog."
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"LECHE ANG BENTA!"
"WOOOHHH IBA KA TALAGA JHO!"
Utas sila ng pagtawa habang ako lang yata ang di masaya. Niyog talaga baby? Mas matindi pa yon sa poste jusko. Okay na ako sa poste. Wag lang yung puno ng niyog.
"Huy!! Magsitigil na nga kayo. Napikon yata si Bea." Sabi ni mamang at buti naman tumigil na sila sa pagtawa.
"Sorry, Beatriz. Joke lang yun. Wag ka mapikon ah?" Nagpapacute na sabi ng baby black ko. Awww ang cute.
"Okay lang." Tipid kong sagot at tumuloy na ako sa pagkain.
Lumamon lang kami ng lumamon. Grabe walang nagpapaawat. Lamon kung lamon.
2 hours later
"Tama na guys!" Awat ko sa kanila. Nonstop kasi talaga yung paglamon nila. Baka magka-indigestion na sila jusme. Pati ang baby black ko ay lamon pa rin ng lamon.

BINABASA MO ANG
Tadhana [ON HOLD]
FanfikceSa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo... - jhoana. beatriz. jhobea.