Prologue

3.2K 43 0
                                    

Jho's POV

"Happpppeh happppehhhhhhh!" Pang-gagaya ni ate Ella de Jesus. I guess si coach Tai yung ginagaya nito. Pero omgggg!! This is it! Finally, kasali na rin ako sa volleyball team ng Ateneo.

"Okay guys! Listen, listen." Pagkuha ng atensiyon ni ate Alyssa sa amin para makinig na sa sasabihin niya.

"So we're here para ipakilala ko ang mga bagong teammates natin." Sabi ni ate Alyssa.

At awtomatikong nagsi-palakpakan yung mga dati pang players na para bang lagi nila yung ginagawa.

"Tantanaaaan! Let's all welcome rookie number one!" Announce ni ate Den at sinabihan akong magpakilala na since mukhang nasa unahan ng linya yata ako dahil hindi ko kilala yung iba kong katabi and obviously, nakahiwalay yung mga hindi na bagong players.

"Hi. I'm Jhoana Louisse Maraguinot but you guys can call me Jho." Pagpapakilala ko at nagsmile din ako.

Nagpalakpakan sila at isa isang lumapit sa akin upang kamayan ako. Then nakikita ko pa silang nagma-mouth ng "congrats" sa akin.

"Okay! So next, we have rookie number two!" Tinuloy ni ate Alyssa yung pagaannounce ni ate Den.

"Hi! I'm Therese Marie Marguerette Gaston. Trey na lang for short." At ginawa ulit nila yung ginawa nila sa akin pero this time, kasama na ako.

"Next in line, we have rookie number three!"

"Hiii! I'm Madeleine Madayag. Maddie or Mads na lang." Ngumiti siya samin at tinaas-taas yung kilay niya.

"And let's also welcome, rookie number four!"

"Hi everyone! Uhm. Katrina Mae Tolentino here. But you can call me Kat."

"And last but not the least, our fifth rookie!"

"Hi. I'm Isabel Beatriz De Leon. Bea na lang." Sabi nung kapwa ko rin rookie. At syempre ginawa namin yung kanina pa namin ginagawa na pagkamay-kamay thingy.

So kinamayan na siya ng teammates namin at nung turn ko na ay syempre kinamayan ko rin siya. Hinawakan ko yung kamay niya at sinabihan ng "congrats" pero hindi niya binibitawan ang kamay ko at nakatingin lang siya sakin. I smiled at her awkwardly at tumango-tango ako para magising siya. Hahaha mukhang lang naman siyang nakatulog ng mulat.

"U-uhm. I'm-m so-rry." Sabi niya at finally binatawan niya na rin yung kamay ko after 10 seconds. Ang nangyari tuloy ay hindi na nakipag-kamay yung iba naming teammates sa kanya.

"It's okay." Nagsmile naman ako para mafeel niya talaga na okay lang yung nangyari pero umiwas na agad siya ng tingin na parang walang nangyari.

Ang sungit naman ni Ms. De Leon. Eto nga siyang titig na titig sakin. Nabihag ko yata siya ng aking kagandahan. Chos!

After naming magpakilala ay nagpakilala na rin yung mga dati pang players kasi para daw fair at makapagsalita ang lahat.

"So magkakakilala na tayo, I think I can tell you guys na kung sinong makakasama niyo sa room niyo." Nakinig naman ang lahat kay ate Alyssa. Akala ko nung una ay sa court lang siya leader pero pati pala sa mga ganitong bagay. Napakabait niya.

"So kapag tinawag ko kayo please magsama-sama kayo. We'll have three head per room, okay?" Tuloy pa niya at mas lalo akong naexcite malaman kung sino ang magiging roommate ko. Hopefully, sana wag si Ms. De Leon kasi feeling ko hindi ko maeenjoy ang college life ko. Ang sungit kaya niya! Hmmmp!

"So first, Ella, Mads and Mich. Second, Den, Kat and me." Napatingin naman kami lahat kay Kat nung tinaas niya yung kamay niya, ibig sabihin, may sasabihin siya.

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon