Jho's POV
Andito kami ngayon sa gym. Training syempre. As usual, bugbugan na naman. Grabe, pag di pa kami nanalo neto ewan ko na lang pero mahirap din talagang kalaban ang La Salle pero syempre di kami papatalo agad. One Big Fight!!!
"Galet na galet ang fez ni bebe Jho oh!!" Nagulat ako nang magsalita si mamshie Ells, syempre kasama niyan ang mga dakilang asungot niya. Si Mads at bes Ju.
"Nakakagulat ka naman mamshie!" Sabi ko at humawak sa dibdib ko.
"OA lang bes? Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong ni bes Jia.
"Laban natin sa La Salle?" Nagaalinlangan kong sagot.
"Oh? Anong meron? Bakit mo iniisip yun?" Tanong naman ni Mads.
"Wala lang. Di ba nga rivals. Malay mo mas magaling sila ngayon." Sagot ko tapos napainom ako sa gatorade ko.
"Wag ganun bebe Jho. Defending champs tayo. At let's claim it, back to back tayo!" Sabi ni mamshie. Tama naman siya. Wala ako dapat ikatakot, sila ang dapat matakot.
"Yeah right!!" Sabay na sabi nila Mads at bes Jia.
"Kaya dapat husayan niyo ang training para back to back tayo." Napalingon kaming apat sa nagsalita, si ate Ly. "Tapos na po ang water break."
Ayun. Bumalik na kami sa training. Mabilis din naman yung natapos kaya nagpalit na ako ng damit ko kasi may klase pa ako at 8:30. Well, 7:00 pa lang naman, chichika pa ako kay bes Nica. Sasabihin ko na sa kanya na sinabi ko na kay Beatriz ang totoo. Tinext ko siya at buti naman free pa siya. Nagkita kami sa cafeteria, our usual tambayan.
"Bes, may chika ako." Simula ko ng usapan namin.
"Ano ba yun?"
"Sinabi ko na kay Beatriz ang totoo." Seryoso kong sabi kay bes.
"Huh? Paano?" Naguguluhan niyang tanong.
So ayun nga. Kinuwento ko sa kanya lahat at dahil mahaba yung kwento ko muntik pa akong malate sa first class ko. Kainis kasi ang daming tanong ni bes. Pero syempre nakahabol pa rin ako sa klase ko. Tinakbo ko talaga as in literal na hinabol ko yung oras para di ako malate. Ayun ang ending, naghihingalo akong pumasok ng room namin. Nakakahiya sa mga blockmates ko. Ang haggard ko pa naman. After ko mismong dumating ay dumating na rin yung prof namin. Thank you Lord!!
Bea's POV
"Pasensya ka na talaga, Bea."
Kausap ko ngayon si Nico. Ang weird nga na kinausap niya pa ako para magsorry.
"Ayos lang. Kalimutan na natin yun." Nakangiti kong sagot sa kanya. Wala naman kasi talaga akong galit kay Nico.
"Sige, tol. Una na ako." Sabi niya tapos tinapik ako sa balikat.
"Sandali." Pinigilan ko siya kasi may natitira pa akong isang tanong sa kanya.
"Straight ka ba talaga?" Nagtataka kong tanong. Kasi feeling ko, hindi talaga. Hindi talaga e.
"Napansin mo din pala. Uhm. Hindi. Hindi ako straight." Sagot niya naman. I knew it. Gay talaga siya.
"Ah okay. At least ngayon, malinaw na." Sabi ko at nginitian ulit siya.
"Sige. Una na ako." Paalam niya. Nagpaalam na din naman ako at umalis na para pumunta sa klase ko.
10:30 klase ko at 10:25 na. Konti pa lang kami dito sa room. Ewan ko ba. Malapit na mag-start ang klase pero lima pa lang kami.
"Guys, wala daw prof natin. Tara na." Announce nung isa kong blockmate. Ayos. Wala na naman akong klase. Yung totoo? Bakit laging wala prof ko? Ayaw yata akong makita HAHAHA
BINABASA MO ANG
Tadhana [ON HOLD]
FanficSa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo... - jhoana. beatriz. jhobea.