Chapter 15

1.2K 18 3
                                    

Bea's POV

Geeeeez. Ano yun? Ang lamig.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nagiisang babaeng minahal ko ng sobra pa sa sobra. Si Jho syempre. Pinupunasan niya ang katawan ko. She still look so beautiful. Hays akin ka na lang ulit please?

"What are you doing?" Nanghihina kong tanong. Nakalimutan kong may sakit pala ako dahil ni Jho.

"Kumakain." Pilosopong sagot niya. As always. Napailing naman ako at tiningnan siya ng natatawa.

"Still the old Jhoana with her kapilosopohan."

"Napaka-obvious naman kasi tapos itatanong mo pa?" Medyo naiinis na tanong niya. Wala e. Ganon talaga tayo. Kahit obvious na, magtatanong pa rin.

"Well, I'm sorry naman." Sagot ko habang umuupo. Tapos niya na akong punasan.

"Sandali pala. Kunin ko lang breakfast mo." Paalam niya at umalis na papuntang kitchen.

3 minutes later

Bumalik siya na may dalang... is that lugaw?

"I don't eat lugaw." Walang gana kong saad.

"Wala ako pake. Basta kainin mo 'to." Haluh? Napaka-palaban din talaga ng babaeng 'to.

"Ayoko."

"Isa."

"Ahhh." Sabi ko at ngumanga. Baka batukan pa ako neto. Mahirap na.

"Ayan." Sinubuan niya ako at wews. It taste good naman pala.

"Who cooked that?"

"Grabe mga tanong mo ah. Nakakapikon." Nagtatampo niyang sagot. Ano bang mali sa sinabi ko?

"What's wrong?"

"Diba pwedeng 'Did you cook that?' ang tanong mo? Porket masarap di agad ako ang nagluto? Judger ka." Hays Jhoana stop being so cute.

"Okay edi ikaw ba nagluto niyan?" Pagsuko ko sa kakulitan niya parang pagsuko niya lang sa relasyon namin.

"Oo naman. Sa galing kong 'to?" Pagyayabang niya.

"Sige na. Magaling ka na."

"Kaya mo nga ako naging crush." Pabulong na sabi niya pero rinig na rinig yon ng malulupet kong tenga.

"Did you say something?" Kunware di ko narinig. Paktay ka sakin. Pagtitripan kita.

"Wala wala." Nag-aalangan niyang sagot.

"May sinabi ka e." Pagpupumilit ko. Cute niya shet.

"Wala nga."

"Ang narinig ko lang kasi ay crush. Oo, crush ba yon? Tama ba? Crush yung huli mong sinabi diba?" Natatawa kong sabi. Hahahahaha ayan na naman siya sa 'natatae-look' niya.

"Hindi crush yon. Sabi ko ano... yung ano... brush. Oo, brush." Tatay niya po talaga si Lucio Tan. Magaling sa lusutan. Hays Jhoana.

"See? Lumabas din ang totoo. May sinabi ka nga."

"Tigilan mo ako, Beatriz. Wala kang konsiderasyon! Ikaw na nga 'tong inaalagaan. Ikaw pa 'tong bastos!" Galit na galit na sigaw niya tapos tumayo at akmang lalabas ng kwarto pero syempre pipigilan ko.

"Di ko naman sinabi na alagaan mo ako. Ang sabihin mo, ginusto mo rin akong makita." Malungkot kong saad. Ikaw na nga lang ang nagbibigay ng lakas sakin tapos aalis ka pa? Kahit ngayon lang, please stay.

"Kahit talaga may sakit ka na, lakas mo pa ring mang-inis." Ayon nawala na yata ang inis niya. Umupo siya sa kama ko at humarap sakin.

"Ikaw naman, pikon lagi." Natatawa kong sagot.

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon