Chapter 9

1.3K 24 0
                                    

Jho's POV

"Wait. Nagugulumihanan na ako mga bes. Tulungan niyo ako, please?" Ayun nga, jusmiyo si Beatriz ko este si Beatriz, sobrang sweet niya talaga. Naguguluhanan na ako talaga. Ay ewan ko.

"Ano ba yun?" Tanong naman ni Mads. Naglalakad kami ngayon papuntang dorm. Actually, nasa dorm na kami. Sabi ko sa kanila, kapag wala pa si Beatriz ay dun kami sa room ko maguusap.

"Naguguluhan na ako." Sagot ko naman. Kumunot naman ang noo nilang dalawa.

"Omg!!! May gusto ka na kay Bea? Mahal mo na si Bea? Sasagutin mo na siya? Road to forever na ba kayo? May forever ba talaga?" Sunod-sunod na tanong ni Mads. Haynako. Mas excited pa sakin.

"Dahan-dahan lang naman, Mads." Sabi ni bes Ju. Buti pa 'tong si bes, mukhang may maitutulong pero si Mads, mukhang wala ni katiting.

Binuksan na ni bes Ju ang pinto at nagulat kami nang makita si Beatriz. Hala? Baka narinig yung mga tanong ni Mads. See? Wala na ngang naitulong, mukhang isasabit pa ako.

"Anong nangyare?" Takang tanong niya. Hoy, Madayag, ikaw may kasalanan neto. Ikaw sumagot niyan sinasabe ko sayo.

"Ah eh... wala?" Jusme. Sa dami-raming palusot, hindi ka man lang talaga nagisip kahit isa, Mads?

"Yung totoo?" Ayan. Nako ako na nga sasagot neto. Baka kung ano pa masabi ng Madayag na 'to.

"Wala nga, Beatriz. Sige na. Thanks sa paghatid niyong dalawa." Hinila ko na siya papasok ng room namin. Pero yung mukha niya, mukhang nagtataka pa rin. "Oh bakit ganyan itsura mo?"

"Wala wala." Buti naman hindi na nagtanong. Pero kailangan ko pa talagang kausapin sila bes Ju, ate Ells at... wait. Isasama ko pa ba si Mads? Wala namang kwenta yun. Pero biglang nakisingit yung konsyensya ko. Meganon?

Good konsensya: Kaibigan mo si Mads. Pagkatiwalaan mo siya dahil may pinagsamahan naman kayo.

Bad konsensya: Tama ka! Walang kwenta si Mads. Wala yung maitutulong. Wag mo na lang siyang isama.

Sandali nga good konsensya at bad konsyensya. Paano kayo napasok sa storya na 'to? Kami ni Beatriz ang bida dito. Bakit nakikisali kayo?

Good konsensya: Dahil alam kong mabait kang bata, Jho at maaari namang dumami ang karakter sa istoryang ito diba? Bilang pare-pareho tayong mga anak ng Panginoon.

Bad konsensya: Walang kwenta lahat ng tao, Jho! Ikaw lang dapat ang-----

Wait lang bad konsensya. Ayoko sayo. Bad ka.

Bad konsensya: Kaya nga bad konsyensya name ko eh

Heh! Tigilan mo ako bad konsensya! Papalitan ko pangalan mo, pilosopong konsensya na ilalagay ko.

Bad konsensya: Basta wag mong isasama si Mads. Wala siyang kwentang kaibigan.

Grabe ka naman bad konsensya. Wala ka sigurong friends kaya ginugulo mo yung friendship namin ni Mads. Umalis ka na dyan sa utak ko. Hinampas-hampas ko yung ulo ko para mawala sa isip ko yung mga konsensya na yun. Pampagulo lalo.

"Okay ka lang, Jho?" Hala? Kasama ko nga pala si Beatriz.

"Huh? Oo. Okay lang ako." Nagmamaang-maangan kong sagot. Baka nakita niya na mukha akong tanga kanina nung hinahampas-hampas ko yung ulo ko.

"Bakit mo hinahampas ulo mo?" Naguguluhan naman niyang tanong. May pagka-usisera din talaga 'tong poste na 'to.

"Uh kasi may lamok?" Pagdadahilan ko. Aba wala akong maisip. Bahala na.

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon