Jho's POV
"Andito na tayo."
So ayun nga, andito na daw kami. Ang layo ng byahe namin. Feeling ko sumakay kami sa motor, pedicab, tricycle, jeep, koste, van, bus, tren, helicopter, eroplano at bangka sa haba ng byahe namin. Baka mamaya nasa North Pole na pala kami tapos si Santa Claus ang mastermind ng kinapping na ito. Mygas di ko yun kakayanin.
"Baba ka na bebe---
Natigil yung pagsasalita nung kidnapper no. 1, baka pinigilan ni kidnapper no. 2. Pero bakit parang puro sila babae? Yung isa ubod ng pandak, tapos yung isa naman saksakan ng tangkad at yung isa, tama lang. Parang kaheight nung tatlong alagad ng dilim pero hindi naman siguro. At tsaka, hindi nila gagawin sakin 'to.
"Baba ka na." Sabi ni kidnapper no. 2. May umalalay sakin kasi naman jusko hindi pa rin nila tinatanggal yung blindfold ko. Kayat-kayat na siguro ang muta ko. Anobayan.
"Nasan po ba tayo? Pakawalan niyo na po ako please. Parang awa niya na po. Mahal ko pa po ang buhay ko. May pamilya pa po ako. May pangarap pa po ako sa buhay ko. Gusto ko pa pong magkapamilya. Parang awa niyo na po." Actually, acting skills ko lang yun para malay niyo umeffect.
"Dalhin niyo na yan sa kwarto niya." Sabi ni kidnapper no. 3. Hala? Baka yung kwarto ay mabaho or madumi jusko di ko kakayanin.
Dinala na nila ako sa kwarto ko daw. Pagkapasok na pagkapasok ko ay ibang lamig ang naramdaman ko. May aircon ang kwarto ko? Hala? Siguro bigtime na itong mga kidnappers na 'to kasi yung pinagdadalhan nila sa mga kinidnap nila may aircon na. Wow naman. Naramdaman kong sumara yung pinto kaya't nagmamadali kong tinanggal ang piring ko sa mata. Tumambad sakin ang napakagandang kwarto at nakita ko pa sa labas ng bintana ang ubod ng gandang view. Nasan ba kasi ako?
Pinagmasdan ko ang buong kwarto tapos di ko inexpect na makikita ko yung bag ko dun. Yung inihanda kanina ni Beatriz. Pero paano naman yan napunta dito? Dali-dali kong hinalungkat ang bag ko kasi umaasa ako na andun ang phone ko. At buti na lang, andun nga.
Una kong tinawagan si bes Juju. Buti naman sinagot niya.
"Bes!! Tulungan mo ako!! Kinidnap ako!!!" Bungad ko sa kanya.
"Okay. Kumalma ka. Magmasid ka sa labas. Tingnan mo kung may tao tapos saka ka lumabas." Mahinahon niyang saad. Nakidnap na nga ako, ang hinahon pa rin niya.
Ginawa ko naman yung sinabi niya. Sinilip ko sa labas kung may tao, buti na lang wala. Nakita ko rin na may dalawa pang kwarto katabi ng kwarto kong pinuntahan. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.
Ngunit paglingon ko...
"IT'S JOKE TIME!!!"
Wow. Pwedeng pamura ng isa? Yung tatlong alagad ng dilim andito. Wala si Beatriz. Asan kaya yun? Pero basta. Badtrip ako ngayon dahil sa ginawa nila. Jusko sobrang lakas ng trip nila grabe.
"Uy, Jho. Pasensya ka na. Napagutusan lang naman kami." Malungkot na sabi ni Mads tapos lumapit silang tatlo sakin para yumakap. Pinabayaan ako lang naman sila.
"Tama yun, bes. Tsaka hinding-hindi ka namin ipapahamak. Edi bugbog ang abot namin kay Bea. Diba, guys?" Pilit akong ngumiti kay Jia kahit badtrip pa rin ako. Ikaw kaya pagtripan ng ganon.
"Asan ba tayo?"
"Nasa El Nido tayo Jho kaya inenjoy na lang natin 'to please? Magalit ka na lang samin kapag nakabalik na tayo sa Manila." Mukhang masaya nga yun. Okay itatry kong hindi isipin yung nangyari para sa stay namin dito sa El Nido.
"Uhm ano... si... si ano..." Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Beatriz.
"Si Bea." Sabay-sabay nilang sagot.
BINABASA MO ANG
Tadhana [ON HOLD]
FanficSa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo... - jhoana. beatriz. jhobea.