Chapter 12

1.3K 23 1
                                    

Jho's POV

Nakabalik na kami ngayon sa Manila. Maayos naman yung short vacation namin. Kulitan syempre dahil nung tatlo pero di mawawala yung kiligan dahil syempre nung yiiieeeee naman kasi. Kilala nyo na.

"Tara! Bilisan mo!" And speaking of, eto siya ngayon, hinihila ako palabas ng dorm. Ay hindi pala kasi hindi pa kami lumalabas ng dorm.

"Kuya, sa bar lang po kami." Sabi ni Beatriz kay Kuya Guard.

"Sige pero wag sobrang papaumaga ha? Baba kayo agad." Sagot ni Kuya. Huh? Baba? Ano yun? Sa taas yung bar?

"Sige po. Una na kami." At hinila niya ulit ako papunta sa likod ng dorm. Walang tao dito. Malamang, sino ba namang tatambay dito? Ang creepy kaya kasi medyo madilim.

"Sunod ka lang sakin." Utos ni Beatriz tapos tumigil siya sa tapat ng isang hagdan. Humawak siya dun at nagsimula nang umakyat. Ako, eto naiwan sa baba. Aba bakit naman ako aakyat dyan? Pero kasama ko naman si Beatriz kaya keri na.

At umakyat na din ako sa hagdan. Pagkatapos ng ilang hakbang ay nakarating kami sa second floor ng dorm. Ano ba kasing trip netong si Beatriz?

Naglakad siya habang ako, nakasunod lang sa kanya. Ilang hakbang lang din at nakarating kami sa dulo. May cabinet na kulay brown. Yes nakikita ko pa kasi may konting liwanag pa naman. Hala wait!!!

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Nakita ko kasi na binuksan niya yung cabinet. Hindi niya ako pinansin hanggang sa tuluyan na niyang mabuksan yung cabinet. Akma naman siyang papasok pero syempre pinigilan ko siya. "Hoy! Ano ba?! Bakit ka papasok sa cabinet?"

"Wag kang maingay. Baka may makarinig satin." Sabi niya at inilagay yung index finger niya sa bibig niya. "Sabi ko sayo sumunod ka lang sakin."

Wala akong nagawa kundi sundin siya. Lumapit ako sa cabinet at pinasok yung ulo ko. Si Beatriz? Hala nawala amp!!!

"Beatriz?"

"Pasok ka." Sabi niya at binuksan yung pinto ulit sa likod ng cabinet. So ayun, pumasok na ako at lumabas din naman dun sa pinto sa likod ng cabinet. Isinara naman ni Beatriz yung dalawang pinto ng cabinet after ko makalabas.

Nauna ulit siyang maglakad gaya ng sinabi niya. Umakyat ulit kami sa hagdan at WOOOW!!! Nakarating kami sa rooftop. Ang ganda. Hindi ko alam na may ganito sa Eliazo. Ang ganda ng view. May isang double-deck na kama at dining table na may anim na chairs. May mga bean bags din. Ang cool ng lugar na 'to.

Nakita ko naman na parang may kinukuha siya sa ref. Wow naman. Taray may ref!!! Nagulat ulit ako kasi may nilabas siyang isang bote ng SanMig na beer. Pero bago niya pa isara yung ref ay tumingin siya sakin.

"Iinom ka ba?"

"Pwede apple flavor lang?" Yun lang kasi palagi yung iniinom ko kasi hindi siya nakakalasing. 3% alcohol lang yung content niya kaya hindi talaga nakakalasing.

"Sure." Kinuha niya na yun at hinila ako papunta sa taas nung double-deck na kama. Nakasandal kami ngayon sa headboard ng kama habang magka-holding-hands.

"Paano mo pala nalaman ang tungkol dito?" Panimula ko sa usapan.

"Nung kinuha ko yung bola ko sa kwarto ko para ilagay yun sa kotse ko kasi gusto ko may extra ako lagi. Habang dala ko yung bola, nahulog. Gumulong yung bola papunta dun sa likod na yung daan ay dun sa may inuupuan nina Kuya Guard diba? So ayun nakita ko yung hagdan tapos inakyat ko yung hagdan tapos nakita ko yung cabinet tapos pumasok ako hanggang sa nakita ko 'to. Actually, ang inadd ko lang dito ay yung ref. Ganyan na talaga yan. Nilinis lang namin ni Kuya Guard." Ganon? Kasali talaga si Kuya Guard?

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon