Chapter 4

1.5K 26 1
                                    

Bea's POV

"Wag. Hindi. Gusto nga kita."

"What?"

"I mean gusto nga kitang kasama dito. Ang kulit mo lang minsan pero okay lang naman." Explain niya pero ewan, wala na talaga ako sa mood. Humiga na lang ako sa kama ko without saying anything at natulog na.

***

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tapik na naramdaman ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang taong may dahilan kung bakit mamula-mula yung braso ko. Si Jhoana syempre. Kagabi pa siya nagsosorry sakin pero dinededma ko lang. Wala lang. Trip ko lang. Ang cute niya kasi pag ganon.

I remembered what happened last night. Yung pagtulak niya sakin ng mahina, yes, mahina lang naman talaga yun e. At alam ko sa sarili ko na okay lang ako pag nahulog ako sa kama pero hindi ko inexpect na maiipit ko yung kamay ko. Kaya ayun, ang ending, maluha-luha kong hinahaplos yung braso ko. It hurts so much talaga. Nung una nga, I can't move it. Namanhid yata. Pero habang tumatagal naman ay naramdaman ko na din naman. Actually, wala naman talaga kaso yung paghulog ko sa kama na yon pero I decided to ignore Jhoana muna kasi you know, bawas disgrasya. Kasi whenever I'm with her ay kung ano-anong nangyayari sakin na masama. Kaya di ko muna siya papansinin.

"Huy, Beatriz!" Natigilan ako sa pagiisip nang tawagin ako ni Jhoana. This is it. The drama starts now.

"Bangon ka na." Mahinahon niyang sabi. Aba himala yata. Naging maamo ang dragon.

Tumayo na lang ako without saying anything kahit na gusto ko siyang pasalamatan dahil ginising niya ako. Dumiretso na ako sa cr para magshower. After ilang minutes ay natapos na rin ako. Pagkalabas ko ng cr, nakita kong naghihintay sakin si Jhoana. Iwas gaming tayo ngayon. Galingan mo, Beatriz!

"Tara na?" Aya niya pero hindi ako sumagot. Tapos na rin naman akong magayos ng sarili ko kaya ready na ako. Lalabas na sana ako ng room namin pero pinigilan ako ni Jhoana.

"Uy, Beatriz, kausapin mo naman ako. Parang hangin lang ako dito e." Sabi niya pero nakatingin lang ako sa kanya. "Magsalita ka naman."

Nagmamakaawa na siya pero eto ako, mapapanisan na yata ng laway dahil kahit isang word ay wala pang lumalabas sa bibig ko.

"Fine. Kung hindi mo ako papansinin, hindi ko bibitawan ang kamay mo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Finger to finger. Intertwine. Like that. Lihim naman akong napangiti sa ginawa niya. Ewan ko ba. Bakit ganun ang epekto sakin netong si Jhoana? Weird.

"Tara na." Hinila niya ako at lumabas na kami ng room namin ng magkaholding hands pa rin.

"Wow. Holding hands." Syempre di kami makakalusot kay ate Ells sa pang-aasar. Andito kami sa kitchen at si ate Ells, Jia, ate Ly, ate Den and Mich pa lang ang nandito.

"Pag magkaholding hands, kami na agad?" Sabi ni Jhoana at umiling.

"May sinabi ba akong kayo na?" Depensa naman ni ate Ells. "Etong si bebe Jhoana masyadong defensive."

"Bakit nga ba kayo magkaholding hands?" Tanong naman ni ate Den.

"Nagtatampo kasi siya sakin." Sagot naman ni Jhoana tapos nagpuppy eyes sakin. Wag kang bibigay, Beatriz. Iniwasan ko na lang siya ng tingin at nagfocus na lang ako sa iba naming teammates na gumagawa ng breakfast.

"Bakit ka naman nagtatampo, Bea?"

"Pag ba nagtatampo ang isang tao, kelangan hawakan ang kamay? Ganon lang?"

"Hanggang kelan mo siya hahawakan, Jho?"

Sunod-sunod na tanong nila. Ako na lang sasagot para matapos na 'tong topic na 'to.

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon