Jho's POV
"I love you."
"I love you, too."
"Talaga love mo ako?" Seryosong tanong niya.
"Oo naman. Bestfriend kita. Syempre love kita." Biglang nawala ang ningning ng kanyang mga mata.
"Bestfriend lang?"
"Oo? Bakit? Ano ba dapat?" Tanong ko kasi parang iba ang meaning niya.
"Jho." Bakas sa mukha niya ang biglang pagkalungkot. Bakit ba ganito 'to? "Bestfriend. Oo. Bestfriend lang dapat."
"Bakit malungkot ka?" Napansin ko kasing lumungkot siya talaga. Nung sinabi kong bestfriend lang kami, ayun nagkaganyan na. Bakit ba kasi? Jhoana, isipin mo. Hindi naman pwedeng more than bestfriends. Malabo yun. Malabong kang magustuhan ng isang Bea de Leon kahit gusto ko yan, crush ko kasi talaga 'tong si Beatriz pero alam ko na wala talaga kaming pag-asa kaya gising, Jhoana, hoy!!
"W-wala. B-bihis ka na. Baka malate tayo sa training." Sabi niya at dumiretso sa cr. Anong problema nun?
***
Bea's POV
"Ate Ells." Andito kami ngayon sa shower room kasi kakatapos lang ng training namin at nagsho-shower pa yung ibang teammates namin habang kami ni ate Ells ay inaatay silang matapos kasi nauna na kami kanina.
"Oh?"
"Alam ko na yata yung dahilan."
"Ano yun?" Tanong niya at binaba ang cellphone niya para makinig ng ayos.
"TARA NA!!" Basag-trip naman 'tong si Mich. Sasabihin ko na e. Naudlot tuloy.
"Maya na lang, te." Sabi ko na lang kasi wala na, sira na yung moment. Galing kasi ng timing ni Mich.
Nakita kong palapit si Jho at ewan ko ba. Parang may stampede sa loob ng puso ko. Daig pa ang nagwawalang kabayo. Jusmiyo, ano 'to, Jho? Bakit ako nagkakaganito?
"Tara na?" Sabi niya at naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Parang may poste ng kuryenteng tinayo sa tabi ko. Bakit ganon? Ano yun? Hinawakan lang naman ako ni Jho ah? Bakit may... spark? Lol hahahaha baka pinaglihi lang sa battery 'tong si Jhoana kaya ganon.
"HOY ANO BA BEATRIZ?! MAIIWANAN NA TAYO!!" Sigaw ni Jho. Hala. Masyado palang lumipad ang isip ko. Nakarating nga sa puso ni Jho. Naks hahaha
"Ay sorry. Tara na." Naglakad na kami papuntang kotse ko at nakita ko si Jia at ate Ells na naghihintay samin. Makikisabay siguro.
"Tagal niyo." Reklamo ni te Ells.
"Eto kasing si Beatriz." Sagot naman ni Jho. Ay bahala kayo. Ako na nga 'tong ginawa niyong driver, reklamo pa kayo.
"Tara na nga."
***
"Straight!!! Straight!!!" Sigaw ng mga teammates ko at tinaas na namin yung baso ng beer.
"One! Two! Three! Gooooooo!!!" Sigaw ni Mads at nagpaunahan na kaming ubusin ang laman ng baso.
Nakita ko si Jho na mukhang lasing na. Nakakatatlong baso pa lang siguro 'to pero lasing nga yata. Hindi pa naman yata 'to sanay na uminom. Kasi naman pinilit siya ng teammates namin kaya ayun, napainom din.
"Kaya pa?" Tanong ko sa kanya kasi kahit kakasimula pa lang namin ay mukhang di na kaya netong si Jho.
"Uy, crush!!" Gulat na gulat ako sa sinabi ni Jho pero biglang tinakpan ni Jia yung bibig niya.
"Lasing na hehe. Akala yata ikaw yung crush niya." Sabi naman ni Jia. Sino bang crush niya? Bestfriends daw kami pero hindi naman sinasabi sakin. Nakakatampo 'tong si Jho kainis.
BINABASA MO ANG
Tadhana [ON HOLD]
FanfictionSa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo... - jhoana. beatriz. jhobea.