Chapter 16

1.5K 21 11
                                    

Jho's POV

"Uy, Jho." Nagulat ako sa tumawag sakin. Lumingon ako at nakita ko si Mads.

"Bakit?"

"Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong at umupo sa tabi ko. Andito kami ngayon sa sala.

"Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Hindi halatang okay ka bes. Nakikita sa mga mata mo ang lungkot." Sino 'tong kausap ko? Ilabas niyo ang totoong Maddie Madayag na kilala ko.

"Ikaw ba yan? Parang hindi."

"Ano ba, Jho? Seryoso na nga ako." Nagtatampo niyang sagot.

"Ay sorry sorry. What do you mean nakikita sa mata ko?" Medyo may kalaliman din kasi ang babaeng 'to.

"Parang hindi na katulad ng dati ang kinang ng mga mata mo." Ay ang taray talaga ng babaeng 'to. Hindi talaga ikaw yan Mads.

"Ano ba dati?"

"Dati halos katulad na ng mga stars sa langit ang kinang ng mga mata mo, ngayon para laging kulimlim." Sumimangot siya at tumingin sakin. "Alam mo, Jho. Namimiss na kita. Hindi na din ikaw yung Jho na sobrang saya dati."

"Ano ba yan, Mads? Mag-iiyakan pala tayo dito, di mo naman sinabi, wala akong dalang tissue."

"No problem." Sabay na sabi ng bagong dalawang boses. Si mamshie at bes Ju, may dalang tig-isang box ng tissue.

"Uy guys!" Masiglang bati ko.

"So nasan na kayo? Jho, pinaiiyak ka na ba ni Mads?" Tanong ni mamshie at umupo sa gitna namin ni Mads. Si bes naman hinila yung isang upuan papunta sa tapat namin kasi di kami kasya, ang laki ni mamshie.

"Nako malapit na, mamshie."

"As I was saying, madaming nagbago sayo Jho." Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Yang ngiti mo, tsk hindi na kasing lawak nung dati na umaabot sa noo mo."

"Isa pa, kayong dalawa ni Bea. Alam namin kung gaano niyo talaga kamahal ang isa't isa pero sana wag niyo nang pahirap ang mga sarili niyo." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni bes. Di ko sila maintindihan. It's been a month na rin nung naghiwalay kami ni Beatriz at aminado ako, namimiss ko na siya. Kahit nagkikita kami araw-araw at roommates pa. Di ko din nga alam kung paano namin nagagawang iwasan at tiisin lahat ng sakit na nararamdaman namin.

"Huh?"

"Ang samin lang Jho, kitang-kitang pa rin namin ang spark sa inyong dalawa. At nasasayang ang time na dapat ay masaya kayo." Hays mamshie. Di ko na din kasi alam. Sobrang gulo na.

"Thank you, guys sa concern. Alam kong gusto niyo lang kaming maging masaya pero bigyan niyo kami ng time at baka maayos pa namin 'to." Madamdamin kong saad.

"Baka? Di ka pa sure?" Tanong ni Mads.

"Malay mo ayaw na niya talaga." Sagot ko naman habang umiiling.

"Imposible. Patay na patay nga yun sayo." Sabi bes at nagtawanan kaming lahat.

"Oo nga! Hindi lang halata pero patay na patay talaga yun sayo!" Segunda pa ni Mads at nakipag-apir kay bes.

"Thank you talaga guys sa pagapapalakas ng loob ko." Maluha-luha kong saad at kumuha ng tissue sa sa box na dala ni mamshie. Sila nga ang saya-saya pa a moment ago tapos ako umiiyak na.

"Ayan na! Umiiyak na!" Tuwang-tuwang sabi ni bes. Hala? Baliw lang bes? Para namang ngangayon nakakita ng naiyak.

"Saksi kami kung paano nabago ni Bea ang buhay mo at kung paano mo binago ang buhay ni Bea." Masayang paliwanag ni mamshie. "Sayang kasi diba, guys?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tadhana [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon