Nakatanaw ako sa mga bahayan dito sa compound namin. Nasa rooftop ako ngayon at nakikinig ng music. Dumadampi ang malamig na hangin sa balat ko.Napapikit ako at napakanta.
"Back when I was a child, before life
removed all the innocence. My father would lift me high and dance
with my mother and me and then spin me around ‘til I fell asleep. "Tumulo ang luha ko habang iniimagine ang sinasabi sa kanta. I wish that I experienced it too when I was a child. Sana naranasan ko man lang na makasama sila kahit sandali.
"Theo came back but it doesn't mean that my father will be back too. "
Sabi ko at napahagulhol ng iyak.
My father is not dead. But he seems like dead.
Bakit?
Simula bata ako hindi ko pa siya nakikita. Impossible right? But it's true. Sa pictures ko lang siya nakikita. Sabi ni Nanay Tina busy lang daw siya pero may tatay bang natitiis na hindi makita ang anak?
Pinunasan ko ang luha ko at may mga bago na namang tumulo.
Kapag wala sa tabi ko si Theo para manggulo nakakapag isip ako ng kung anu-ano at parang bigla akong nagigising sa katotohanan na napakalungkot ng buhay ko.
Napakalaki nga ng bahay namin pero ako lang at si Nanay Tina ang nakatira dito. May panahon pa na umaalis siya para umuwi sakanila katulad ngayon, wala siya at ako lang ang naiwan sa malaking bahay na to.
Napakalungkot ng paligid ko. Nag-iisa lang ako.
Hindi man sabihin ni Nanay pero alam kong galit sakin si Daddy. Alam kong kaya hindi siya nagpapakita sakin dahil galit siya. Naiintindihan ko pero masakit parin.
My mom died because of me.
Binibigay nga niya lahat ng kailangan ko. Lahat ng gusto kong bagay pero hindi ko kailangan ng mga 'yon. Ang gusto ko ay siya. Gusto kong makasama ang Daddy ko. Gusto ko siyang makita.
Mas lalong lumakas ang hagulhol ko dahil sinabayan pa ng kanta ang pagdadalamhati ko.
Hindi ko kailangan ng pera niya. Kailangan ko ng isang ama. Isang ama na mag-aalaga at magtatanggol sakin.
Napatigil ako sa paghikbi nang may mga kamay na tumakip sa mata ko.
"Hulaan—teka are you crying? "
Pinihit ako paharap ni Theo sakanya pero nanatili akong nakayuko.
"Hey, what happen? " hinawakan niya ang mukha ko at inangat. Pinunasan niya ang luha ko pero patuloy ang pagragasa ng mga ito.
"Why are you crying Paige? " umiling-iling ako at umiwas ng tingin.
"Come on Paige. Talk to me." Hindi ako kumibo at nanatiling nakaiwas ng tingin.
"I'm here to listen Paige. I'm your bestfriend you can tell me everything." sabi ni Theo at muli akong napahagulhol ng iyak. Tinanggal niya ang earphone sa mga tenga ko.
Naririnig ko pa rin naman siya kahit naka earphone ako.
"Na-Naisip ko lang kasi ang laki-laki nitong bahay namin. " napahikbi ako habang nagsasalita. Hirap ako sa pagsasalita dahil patuloy pa rin ako sa paghikbi.
"Ang laki pero dalawa la-lang ka-kami ni Nanay dito. Ta-Tapos ngayon mag... mag-isa lang a-ako. " humihikbi kong sabi at nagtakip ng mukha.
"Paige. You're not alone nandito kaya ako. " sabi ni Theo at niyakap ako. Yumakap rin ako sakanya at sumubsob sa dibdib niya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
General FictionAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...