Pagkatapos ng klase ay nagpunta kami sa coffee shop na madalas naming puntahan ni Theo noon.
"What? Talagang ginawa ni Haruka yun?" gulat na sabi ni Shogo.
"Sabi ko naman kasi sayo Paige mag iingat ka sa babaeng yun. Mabuti di ka napahamak," sabi ni Lucy.
"Nakatakbo lang ako kaya nandito pa ko sa harapan niyo ngayon," sabi ko.
"Sa susunod mag iingat ka na ha? Wag kang lalakad mag isa baka mamaya may kasunod pa yan," sabi ni Shogo.
"Opo." Humigop ako ng kape at tumingin sa labas.
"Bakit ka ba kasi mag isang umuwi kagabi?" Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni Lucy dahil nakita ko ang may pakana ng mga nangyari kagabi.
"Paige?" Napatingin ako kay Lucy.
"Ha?" Napailing si Lucy at humigop sa ice coffee niya.
"Bakit ka mag isa kagabi?" tanong niya.
"Ah... kasi bumili ako nun sa labas. Di ko naman akalain na may dudukot pala sakin," sabi ko.
"Nakakaloka yang si bruha ha. Akalain mo yun may padukot dukot effect pa," naiiling na sabi ni Shogo.
Napabuga ako ng hangin nang maalala ang nangyari kagabi. Mabuti na lamang at nandito palagi sakin ang kwintas.
Napahawak ako sa kwintas.
"Ayos ka lang ba Paige?" tanong ni Lucy. Bahagya akong ngumiti at tumango.
"Buti di ka nila sinaktan." Humawak si Lucy sa kamay ko.
"Kaya nga eh. Swerte pa rin talaga ako," sabi ko.
Kung alam niyo lang.
"Tara na mga beks. Marami pa kong assignments. Alam niyo namang masipag akong mag aaral," sabi ni Shogo.
"Wait lang magtetake out ako para dun sa makulit kong kapatid. Una na kayo sa sasakyan," sabi ni Lucy at nagpunta sa counter.
"Paige tara na." Yaya ni Shogo.
"Wait lang magccr ako," sabi ko habang nag aayos ng gamit.
"Mga babaeng to talaga." Napakamot sa ulo si Shogo.
Binitbit ko ang bag ko at nagtungo na ako sa banyo. Pagpasok ko ay napahinto ako dahil bumungad sakin si Haruka na nag aayos sa salamin. Nauna akong makabawi mula sa pagkagulat.
"Wag kang mag alala hindi pa ko multo," mahinahon kong sabi at tumabi sakanya para maghugas ng kamay.
"Pano--"
"Pano ako nakaligtas? " Tinignan ko siya sa salamin at tinaasan ng kilay.
"Syempre secret. Mamatay ka kakaisip diyan," sabi ko at pinagpag ang kamay ko para matalsikan siya ng tubig.
"What the heck?!" maarte nitong sabi.
Hinarap ko siya at tinulak. Gulat niya akong tinignan.
"Sa susunod na ipapadukot mo ko. Siguraduhin mong mamamatay ako dahil kundi magdudusa ka." Tumalikod na ako at akmang hahakbang na paalis nang may maalala ako.
"Sino nga pala yung kasama mong lalaki ha? May paclose close ka pa ng relationship eh naglalandi ka pa rin pala," naiiling kong sabi.
"Balang araw lahat ng ginagawa mo pagbabayaran mo. Sinisiguro ko sayo na nalalapit na ang araw na yun." Lumabas na ako ng banyo at iniwang tulala si bruha.
Bumalik ako sa table namin nila Shogo. Lumingon ako sa counter dahil wala na si Shogo sa pwesto namin kanina. Nang makita ng mga mata ko si Lucy ay agada kong lumapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
Fiksi UmumAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...