Chapter 18

176 23 2
                                    

Pagkatapos ng pag amin ko kagabi na napunta sa wala ay pinauwi ko na si Theo. Wala pa rin ako maisip na sunod na plano.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ng court. Konti pa lang ang awang ng pinto ay napahinto na ako dahil narinig ko ang pangalan ko.

"Paano si Paige? " narinig kong tanong ni Adam.

"Paige is my bestfriend. " sagot naman ni Theo.

Kahapon pa ako na bebest friend zone ah.

"Sigurado ka liligawan mo na si Haruka? " tanong ni Shogo.

Tropa na rin pala siya nila Theo?

"Sure na sure. " sagot naman ni Theo.

"Akala ko talaga kayo ni Paige ang magliligawan. " sabi naman ni Keith.

"Kaya nga eh sobrang close niyo kaya. " sabi pa ni Blake.

"Nagulat na lang ako isang araw may iba ka ng babaeng kasama. " sabi ni Caleb.

Hindi ako nakatiis at sumilip sa loob.

Nakita ko na nakapabilog sila at nag uusap usap. Si Caleb ay nakaakbay kay Theo.

"Goodluck sayo pare. " sabi ni Caleb kay Theo at humiwalay rito.

"Pano kayo ni Paige niyan? Alam na ba niya na liligawan mo na si Haruka? " tanong ni Shogo. Nakita ko ang pag iling ni Theo.

"Hindi pa nga eh baka mamaya masabi ko na sakanya. " sabi ni Theo.

"Nandito lang kami kapag kailangan mo ng tulong ha. " sabi ni Keith at tinapik sa balikat si Theo.

"Salamat. " sabi ni Theo. Hindi ko makita ang mukha ni Theo dahil nakatalikod siya sakin.

Naghiwa hiwalay na sila at kinuha ang gamit nila.

Napaatras ako at binitiwan ang doorknob.

Liligawan na niya si Haruka? Hindi ba parang ang bilis? Bakit ganun?

Nag init ang sulok ng mga mata ko.

"Pai anong ginagawa mo rito? " napatingin ako kau Shogo. Lumingon siya sa loob bago ako hatakin palayo.

Dinala niya ako sa loob ng storage room.

"Nasan na si Kwak? " narinig ko ang boses ni Adam sa labas.

"Nawala nga bigla eh. " sabi naman ni Keith.

"Tara na baka nauna na. " sabi ni Blake.

Maya maya ay nawala na ang yabag ng paa nila. Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Shogo.

"Anong narinig mo? " nag aalalang tanong ni Shogo.

"Everything. " sabi ko at nag umpisa ng tumulo ang luha ko.

"Ano ng gagawin ko Shogo? Liligawan na niya si Haruka. Hindi ko na alam anong gagawin ko tulungan mo ko. " humihikbi kong sabi.

"Ano ka ba bakla okay lang yan. Just stay. Kung mahal mo talaga siya wag mo siya bastang isuko tandaan mo walang forever maghihiwalay rin sila and in the end sayo pa rin ang bagsak ni Theo. " sabi ni Shogo at pinunasan ang mga luha ko.

"Kaya mo yan girl fight fight lang. " pagpapalakas sa loob ko ni Shogo. Yumakap ako sakanya at umiyak.

Kaya ko bang manatili sa tabi niya kahit na nasasaktan na ako?

"Diba sabi mo hindi mo hahayaang mapunta siya kay bruha? Kaya dapat wag kang ganyan wag ka mawalan ng pag asa. " sabi ni Shogo at hinimas ang likod ko.

Saving Him #PHTimesAwards2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon