Tuwang tuwa si Tita Evelyn nang makita ako. Hinatak niya agad ako papasok sa bahay nila. Nihindi man lang niya binati si Theo.
"Movie marathon tayo. Dito ka na mag sleep over Paige ha? Namiss kita eh ilang araw ka ng di pumupunta rito. Inaway ka ba ni Theo? " tuloy tuloy na sabi ni Tita habang papunta kaming sala.
"Busy po kasi sa school Tita. Hindi naman po kami nag aaway ni Theo. " sagot ko kay Tita.
"Ganun ba. Pero dito ka na matulog ha? " pangungulit pa ni Tita. Natawa na ako sa inaasal ni Tita.
"Opo Tita alam mo naman pong malakas kayo sakin. " nakangiti kong sabi.
Pinaupo ako ni Tita sa sofa at siya naman ay aligagang nangalkal ng mga cd. Napatingin ako kay Theo na kakapasok lang.
"Pagpasensyahan mo na si Mommy ha namiss ka lang talaga niyan. " sabi ni Theo at umupo sa tabi ko.
"Okay lang sanay na ko kay Tita. " sabi ko at tinignan si Tita na mukhang nakapili na ng panonoorin namin.
Tumayo si Tita at umupo sa tabi ko.
"Theo patayin mo ang ilaw. " utos ni Tita kay Theo at bigla akong kinabahan.
"Tita ayoko po ng madilim. " kinakabahan kong sabi.
"Maliwanag naman dahil sa tv nak. Wag kang mag alala. " sabi ni Tita at ngumiti. Napapikit ako ng mamatay ang ilaw.
"Tita ayoko talaga. " sabi ko habang nakapikit.
"Paige hindi naman ganong madilim may ilaw pa rin. Dumilat ka. " sabi ni Tita pero nanatili akong nakapikit.
Naramdaman ko ang pagpatong ng isang braso sa balikat ko.
"Relax Pahina. Nandito lang naman ako oh wag ano anong iniisip mo. Magfocus ka lang sa movie. " sabi ni Theo at pinisil ang balikat ko. Ilang beses akong huminga ng malalim bago dahan dahang dumilat.
Tama si Tita hindi naman gaanong madilim dahil sa liwanag na nagmumula sa tv.
"Relax ka lang Paige." huminga ako ng malalim at ngumiti kay Tita.
"Okay na? Manood na tayo! " masayang sabi ni Tita at pinlay ang movie.
Lumingon ako kay Theo at nginitian siya.
"Thank you Theo. ""Maliit na bagay. " sabi niya at ginulo ang buhok ko. Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin.
Inis kong inayos ang buhok ko.
After 4 hours....
Nakasandal na si Tita sa balikat ko at tulog na. Ako naman ay nakasandal kay Theo. Pumipikit pikit na ang mata ko. Naghigab ako at tuluyan ng pumikit.
NAGMULAT ako ng mga mata.
Bakit nasa kwarto na ako ni Theo?
Tinignan ko ang kamay ko na parang may nakapatong na mabigat. Nagulat ako ng may makitang kamay. Bigla akong natauhan at tumingala.
Si Theo.
Nakaunan ako sa dibdib niya at ang kamay niya ay nakahawak sa kamay kong nakapatong sa abs este tiyan niya. Ang isa niyang braso ay nakapalupot naman sa bewang ko.
Nag init ang dalawang pisngi ko sa pwesto namin. Gumalaw si Theo at tumagilid ng higa. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Napalunok ako.
Ako lang ba o parang ang init?
Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay naaamoy ko na ang pabango niya.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
Genel KurguAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...