Natuwa ako nang pumunta kami sa isang jewelry shop.
"Anong maganda sa dalawa? " natauhan ako bigla at napatingin sa dalawang kwintas na inilabas ng sales lady.
Parehas maganda pero ang tinuro ko ay ang silver na kwintas na may infinity na pendant.
"Kukunin ko po. " sabi ni Theo at binalot na ang tinuro ko.
"Suhol mo ba yan sakin kasi ilang araw ka walang paramdam? " nang aasar kong tanong sakanya.
"Para kay Haruka yan. " sabi niya at biglang nawala ang ngiti sa labi ko.
"Anak ng... " hindi ko makapaniwalang sabi.
Pahiya ako ron ha."What? " tanong niya at tinignan ako.
"Sabi ko anak ka ni Tita ." sabi ko at tumawa ng peke.
Akala ko ba naman sakin yun.
Mahirap talaga ang mag assume.
Bumalik kami sa sasakyan at huminto sa isang restaurant.
Galante ata ito ngayon ah.
"Nasaan na ang kuripot na si Theo? " tanong ko pagkaupo namin.
"Ayaw mo ba? Tara sa tabi tabi na lang tayo. " sabi niya at akmang tatayo pero hinatak ko ang braso niya saka siya inupo uli.
"Hindi ka naman mabiro Theo. Oorder na nga ako oh." sabi ko at binuksan ang menu na nasa harapan ko.
Sinulyapan ko si Theo. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa menu na hawak niya.
"Kamusta naman panliligaw mo? " tanong ko sakanya.
Nag angat siya ng tingin sakin.
"Okay lang naman. " sabi niya at nagkibit balikat."Bat di ka pa niya sinasagot? Siguro wala kang ginagawa. " sabi ko.
"Meron naman. Hatid sundo ko na nga siya eh. " sagot niya.
Kaya pala hindi mo na ako sinusundo kasi may iba ka ng sinusundo.
Umorder na kami at tahimik na kumain.
I don't know but I feel awkward parang may nagbago na.
"Theo hindi na ba pwedeng bumalik tayo sa dati? Ganun ba talaga kapag may nililigawan kailangan lumayo na sa best friend? " tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Sorry Paige. Alam kong wala na akong time sayo pero promise kapag may libreng oras naman ako babawi ako sayo. " sabi niya at inihinto ang kotse sa tapat ng bahay namin.
"Sorry rin sa pagrereklamo siguro namimiss lang kita kasi dati palaging tayo yung magkasama. Sige na babye. Ingat ka." sabi ko at ngumiti ng bahagya.
Lumabas na ako ng kotse. Binuksan ko ang gate namin at papasok na sana ako nang biglang may hunatak sakin. Nagulat ako nang yakapin ako ni Theo.
"I missed you too Paige. I'm sorry for letting the days passed without seeing you my best friend." sabi niya habang yakap ako.
Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niyang namimiss niya ako o dahil sa sinabi niyang best friend niya ako kaya nag unahang bumagsak ang mga luha ko.
"Bat ka umiiyak? " tanong ni Theo at hinarap niya ako sakanya.
"Ikaw kasi eh pinapaiyak mo ko. " humihikbing sabi ko.
"Bakit ako? " natatawa niyang sabi at pinunasan ang mga luha ko.
"Ewan ko! Basta naiiyak ako. " inis kong sabi pero patuloy pa rin sa paghikbi.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
Fiksi UmumAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...