Pagpasok ko ng court ay sinalubong agad ako ni Shogo.
"Oh bakit? " taka kong tanong sakanya.
"Nako beks yung fafa mo ang tamlay pano yan maglalaro. " sabi niya sakin at kumunot ang noo ko.
"Okay na yun kahapon ah. " sabi ko at tinignan si Shogo.
"Kahapon eh ngayon? Tignan mo kaya. " sabi niya at tinuro si Theo na nakaupo sa pwesto ng team nila.
Mag isa siya at nakayuko lang.
"Puntahan mo na Pai. It's your time to shine. " sabi pa ni Shogo at tinulak ako. Naglakad na ako palapit kay Theo.
Hinampas ko siya ng malakas sa balikat at umupo sa tabi niya. Tumingin siya sakin saglit sa akinat yumuko na naman uli.
"Bakit ganyan ka na naman? " tanong ko sakanya at umiling siya.
"Theo naman ayaw mo ba maglaro? Akala ko ba ball is life ka? " tanong ko sakanya. Malungkot siyang tumingin sakin.
"May problema ka ba? " tanong ko at nagbuntong hininga siya.
"I miss her. "
Pakiramdam ko ay nawasak, pinunit at nahati ang puso ko.
He miss her? Kaya siya nagkakaganyan? Wtf.
Huminga ako ng malalim.
"Si Haruka? " lakas loob kong tanong. Dahan dahan siyang tumango.
Nilibot ko ang paningin ko sa court. Napahinto ako sa paghahanap nang may pumasok na babae sa court. Tinignan ko si Theo na nakayuko pa rin.
Naalala ko ang Plan C ko. Make him happy. I think my plan C will be failed today.
"Will you be happy if you see her? " labag sa loob kong tanong. Nag angat siya ng tingin at tumango.
"Ayun siya oh kakapasok lang. " sabi ko at tumingin kay bruha.
Tinignan ko si Theo. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. Naikuyom ko ang kamay ko.
"Thank you Paige! " masayang sabi ni Theo at niyakap ako.
"The best best friend ka talaga. " sabi pa niya at humiwalay sakin.
Oo best friend.
Tumayo na siya at nilapitan si Haruka.
"Ano yun? Pinaubaya mo na ba? " sinamaan ko ng tingin si Shogo.
"Anong magagawa ko kung iba na nagpapasaya sakanya." malungkot kong sabi at tumingin sa gawi nila Theo. Parang kanina lang matamlay siya ngayon halos mapunit na labi niya kakangiti.
Nag init ang sulok ng mga mata ko.
"Okay lang yan Pai! Makaka score ka rin. " sabi ni Shogo at tinapik ako sa balikat.
Nag umpisa na ang game nila. Winston University pala kalaban nila.
Umpisa pa lang pero parang gusto ko ng umuwi. Kung dati sakin siya tumitingin pag nakakashoot ngayon kay bruha na.
Nakakainis!
Pagkatapos ng 4th quarter ay lumabas na ko ng court. Nakita ko kasi na palapit siya kay Haruka. Ayoko namang panoorin sila maglandian. Sumandal ako sa gilid ng pintuan ng court. Nag crossed arms ako at inayos ang sarili ko. Parang anytime kasi sasabog na ko. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at makalbo ko yung bruhang yun.
Napahinto ako sa pag ngingitngit nang may narinig akong mga boses.
"Ang duduga porket dito ginanap yung game sila nanalo. "
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
Aktuelle LiteraturAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...