Napangiti ako ng mapakla habang nakatingin sa dalawang tao sa baba.
Sabi niya may aasikasuhin siyang importante. Sana dinirekta na lang niya kailangan niyang puntahan si Haruka.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.
Hanggang ngayon siya pa rin talaga ang uunahin niya kaysa sakin. Why did I even think that he would make me his priority?
Tumalikod na ako at bumaba sa rooftop. Nagtungo ako sa canteen para puntahan sila Shogo at Lucy.
"Ako ang napapagod sayo Pai alam mo ba yun? Kelan ka ba mapapagod sa lalaking yan?" naiiling na sabi ni Shogo.
"Ang tunay na nagmamahal hindi napapagod," sabi ko at humigop ng lemon juice.
"Kahit na ba Pai maawa ka naman sa puso mo," sabi ni Shogo.
"Hindi masamang magmahal, huwag lang magpakatanga masyado." Napatingin ako kay Lucy at napanguso.
"I can't help it. I love him so much." Yumuko ako at tumitig sa lemon juice ko.
Hinawakan ni Lucy ang kanang kamay ko at si Shogo naman ang humawak sa aking kaliwang kamay.
"Basta kapag pagod ka na nandito lang kami," sabi ni Lucy.
Ngumiti ako sakanya at tumango.
"Oo nandito lang kami para samahan kang maghanap ng bagong fafa." Parehas kaming napailing ni Lucy.
Napagpasiyahan naming ituloy ang kwentuhan sa coffee shop.
"Nasa piling na naman siya nung bruha na yun pagtapos ka niyang agawin sakin nung nakaraan?" hindi makapaniwalang sabi ni Shogo.
"Dapat talaga turuan ng leksyon yan eh," sabi ni Lucy at nagcrossed arms.
"Dapat hindi mo muna kasi pinatawad. Dapat pinatawid muna natin sa alambre bago mo pinatawad," sabi ni Shogo.
Natawa naman ako nang maisip si Theo na tumatawid sa alambre.
"O kaya pinalangoy natin sa baywalk ng nakanganga," sabi ni Lucy.
"Sana pinainom mo na lang yung tubig sa baywalk. Pinalangoy mo pa ng nakanganga eh," sabi ni Shogo.
"Papahirapan nga kasi diba?" mataray na sagot ni Lucy at nagsimula na namang mag away ang dalawa.
Napangiti ako at bumaling sa labas.
Madilim na pala.
"Uwi na nga tayo," sabi ni Lucy at padabog na tumayo.
"Uwi lang gaga walang tayo," hirit pa ni Shogo.
Akmang sasapakin na siya ni Lucy nang tumayo ako.
"Tara uwi," sabi ko at pumagitna sa dalawa habang naglalakad kami.
Binaba ako ni Shogo sa di kalayuan sa compound namin.
"Are you sure dito ka na lang?" tanong niya.
"Yes, kailangan ko lang mag isip-isip sandali. Alam mo na," sabi ko.
"Okay. Ingat ka ha?" Tumango-tango ako.
"Bye," paalam ni Shogo. Kumaway na lang ako at naglakad na nang umalis siya.
Napabuga ako ng hangin nang maalala sila Theo at Haruka kanina.
Si Haruka naman ang sinusuyo niya pagkatapos niyang makipag ayos sakin.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansing madilim na sa nilalakaran ko.
I was about to step back when suddenly someone grabs my arm.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
Fiksi UmumAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...