Chapter 16

167 23 0
                                    

Tumakbo agad ako pagkalabas ko ng room namin. Mahirap na baka maunahan na naman ako ni Haruka kay Theo. Mabilis kong narating ang canteen. Nakita ko si Theo na naghihintay. May mga pagkain na sa harapan niya.

Nakangiti akong umupo sa katapat niyang upuan.

"Hi. " masaya kong sabi at hinubad ang bag ko.

"Hello. " matamlay niyang sabi.

"Oh bakit ang tamlay mo? " tanong ko sakanya at umayos ng upo.

"Wala naman. " matamlay pa rin niyang sabi at binuksan ang sandwich na binili niya.

"May lagnat ka ba? May nararamdaman ka bang masakit o ano? " pag uusisa ko pa at sinalat ang noo niya saka ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit. Bakit ang tamlay mo? " taka kong tanong sakanya. Umiling lang siya at kumagat sa sandwich. Tumingin siya sa ibang direksyon habang ngumunguya.

"May problema ka ba? " tanong ko at umiling siya. Napailing na lang ako at kumuha ng isang sandwich na nasa table. Kumagat ako ng malaki sa sandwich at tinignan si Theo.

Ano kayang meron dito.

"Laban niyo na bukas dapat hindi ka ganyan ngayon baka hindi ka niyan makalaro bukas kasi ang tamlay mo. " sabi ko sakanya at napabuntong hininga siya saka kumagat sa sandwich.

"Wala ka ba talagang problema? Parang ang lalim yata ng iniisip mo eh." sabi ko at dinedma lang niya ako.

Hinampas ko ang table namin at gulat siyang napatingin pati na ang mga ibang estudyante. Sinamaan ko ng tingin si Theo at nilapag ang sandwich ko sa table.

"Hindi pwede yang kinikilos mo Theo. You need to cheer up! It's your match tomorrow. " seryoso kong sabi sakanya.

Tumayo na ako at sinuot ang maliit kong bag.

"Halika. " tiningnan ako ni Theo ng nagtataka. Nakanganga pa siya habang nakatingin sakin.

"Tsk. " sinara ko ang bibig niya at binatukan siya.

"Umayos ka nga Theo. Tumayo ka na diyan." sabi ko pero hindi pa rin siya kumilos.

"Aba. Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa tumayo diyan tatamaan ka talaga sakin. " inis kong sabi.

"Isa. " unang bilang ko.

Mabilis siyang nag ayos ng gamit at sinuot niya agad ang bag niya.

"Tara saan ba tayo? " tanong niya at tumingin sa paligid.

"Sa mall. " sagot ko at naglakad na palabas ng canteen.

Pumunta na kami sa parking lot ng Heisenberg. Agad akong sumkay sa driver seat pagka unlock ni Theo sa sasakyan niya.

"Ako na magdadrive Paige. " sabi niya at nakita ko ang pagbaba taas ng adams apple niya.

"No. Ako na tutal palagi kang tulala eh baka madisgrasya lang tayo. " seryoso kong sabi at inistart ang kotse.

"Paige ako naman mamamatay kapag nagmaneho ka. Over speeding ka kaya baka atakihin ako sa puso rito— Pahina! " napasigaw siya nang biglang paandarin ko ang kotse. Mahigpit siyang napahawak sa seatbelt niya.

"Pahinaaaa! Slow down we're not on a race! " sigaw niya at tinawanan ko lang siya.
"Don't laugh! Focus on driving! " natataranta niyang sigaw. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pag sasign of the cross niya.

PAGKARATING namin sa mall parang mas lalong tumamlay si Theo. Nadrain na ang energy niya kakasigaw kanina. Kung makasigaw kasi dinaig pa niya yung nakasakay sa roller coaster.

Saving Him #PHTimesAwards2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon