Chapter 11

194 25 1
                                    

Nanlaki ang mga mata ko nang magdampi ang labi namin. Agad ako napayuko at napahawak sa labi ko nang lumayo siya.

Did he just kissed me? What the eff? Kyaaaahhh pwede na ko mamatay! Ay! hindi pa pala pwede kiss pa lang yun dapat maging sakin si Theo at kailangan ko pa siya iligtas kay bruha.

Sobrang bilis nang pintig ng puso ko.

Kinalma ko ang sarili ko at lakas loob akong tumingin kay Theo. Ang loko parang walang nangyari. Nagpatuloy pala sa pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! " tawag ko sa atensyon niya. Tumingin siya sakin ng nagtataka.

"That was my first kiss! " inis kong sigaw sakanya.

"So? " parang wala lang na sabi niya at kumagat sa sandwich na hawak niya.

"Anong so ka diyan! First kiss ko yun! Nakareserve yun sa magiging future—"

"That was also my first kiss so we're fair. " napatigil ako dahil sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag guhit ng ngiti sa labi ko.

I don't know but I suddenly feel happy. Maybe because I was his first kiss?

"Akin na kamay mo. " wala sa sariling inabot ko sakanya ang kamay ko. Natauhan ako nang may nalamig na lumapat sa pulsuhan ko. Tumingin ako sa bracelet na nilagay niya.

"That's my gift. " sabi niya at napangiti ako.

"Thank you. " masaya kong sabi at ngumiti ng malapad sakanya.

Sumimangot ako nang guluhin niya ang buhok ko.

"Theo! " bawal ko sakanya at inayos ang buhok ko.

Tinawanan lang niya ako at sinara ang mga tupperware. Tinignan ko lang siya habang nililigpit niya ang mga pagkain. Nilagay niya sa gilid ang mga ito at humiga. Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin pahiga sa tabi niya. Napaunan ako sa braso niya.

Parehas kaming nakahiga ng deretso at nakatingin sa taas. Nasa lilim naman kami ng puno kaya hindi nakakasilaw.

"Gaano na ba tayo katagal magbestfriend? " tanong niya at napaisip ako.

"Hmm.. 12 years na po. " sagot ko sakanya.

"Ang bilis ng panahon. Dati maliit ka pa lamg ngayon maliit ka pa rin. " sabi niya at inis ko siyang tinignan.

"Excuse me hindi ako maliit. My height is 5'6! " pagtatama ko sakanya.

"Whatever basta maliit ka pa rin para sakin. " sabi niya na hindi man lang ako nililingon. Dumeretso uli ako ng higa at ngumuso.

"Porket matangkad ka tss. "

NASA canteen ako ngayon. Kumakain mag isa. May meeting daw kasi sila Theo about sa group project nila kaya hindi siya makkasabay sakin.

Napabuntong hininga ako at uminom ng tubig.

"Hey. " tumingin ako sa lalaking nagsalita. Pasimple ko siyang sinuri. Maayos ang uniform niya mukha siyang malinis tapos maputi at cute. Ang tangkad rin niya nangawit na nga agad ang leeg ko sa oagtingala sakanya eh. Binalik ko ang tingin ko sa mesa at kumagat sa burger na hawak ko.

"I was doing just fine before I met you. " walang gana kong sabi. Tumawa ang lalaki at umupo sa upuang nasa tapat ko.

"Mukha kang malungkot ah? Dahil ba wala si 'best friend ' mo? " napatigil ako sa pag nguya at takang tinignan ang lalaki.

"How do you know that I have a best friend?" gulat kong tanong sakanya.

"Lahat naman ng tao may best friend ah." natatawa niyang sabi. Napairap ako at kumagat uli sa burger ko.

Saving Him #PHTimesAwards2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon