"Theo! Wag ka ngang magulo. " inis kong sabi at nagtalukbong ng kumot.
Inaantok pa ako eh.
"Lunch na Paige hindi ka ba nagugutom? " tanong ni Theo at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Bangon ka na diyan. Sabay na tayong kumain. "
Hindi ko siya pinansin. Ilang minuto siyang nanahimik akala ko lulubayan na niya ako pero nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.
"Theo! " gulat na sigaw ko.
"Hoy mabinat ka niyan. Ibaba mo nga ako! " sabi ko pero hindi niya ko pinakinggan.
"Bat ba ang pasaway mo? " inis kong sabi at sumimangot.
Pumunt kami sa kusina at inupo niya ako. Nakahain na ang mga pagkain. Naghigab pa ako at tumingin sa mesa. Nakit ko ang laptop niya. Agad ko yun kinuha at niagay sa katabi kong upuan.
"Magaling na ako ah hindi mo pa ba ibabalik yan? " tanong niya sakin pagkaupo.
"Baka mabinat ka. " sabi ko at kinuha ang kutsara. Humigop ako ng sabaw ng sinigang na hipon. Tamang tama malamig ngayon.
Pinagbalat ako ni Theo ng hipon. Ako naman ay kain ng kain.
"Ang takaw mo naman Pahina kaya pala tumataba ka. " sabi niya habang nagbabalat ng hipon. Nasamid ako bigla at inabutan niya ako ng tubig. Uminom ako ng tubig at tinignan siya ng masama.
"Hindi ko mataba. " angal ko.
"Mataba ka. Ang bigat mo nga eh. " pinanliitan ka siya ng mata.
"Hindi nga sabi ako mataba eh! " inis kong sabi sakanya at tumayo na. Nagwalk out ako palabas ng kusina.
Yung laptop pala.
Nakasimangot akong bumalik sa kusina at kinuha ang laptop niya. Lumabas uli ako ng kusina at pinuntahan si Tita sa sala.
"Tapos na kayo kumain? " tanong ni Tita at tinignan ako.
Hindi ko pinansin si Tita at nanatiling nakasimangot. Nakatingin lang ako sa tv.
Hindi naman ako mataba ah. Normal nga lang BMI ko eh.
Hindi ako nakatiis at tinignan si Tita. Ngumuso ako at tinanong siya.
"Tita mataba ba ako? "
ILANG araw na ang lumipas. Hindi ko alam kung saan ba naglululusot si Theo at palagi siyang wala. Ayoko man mag isip ng kung ano ano pero mukhang may kinalaman si bruha kaya palaging wala si Theo.
Baka nagdedate na sila?
Simula nung araw na binalik ni Theo ang ID ni Haruka nabawasan na yung oras na palagi kaming magkasama tapos nang tumagal tuluyan na siyang nawala.
Mukhang naunahan na ako bwisit.
Hinihingal akong huminto at naupo sa isang bench. Simula ng sinabihan niya akong mataba araw-araw na ako nagjojogging. Uminom ako ng tubig. Nabuga ko ang tubig na iniinom ko nang may humintong kotse sa di kalayuan. May nakita akong dalawang pamilyar na mukha.
Si Theo at Haruka.Naikuyom ko ang kamay ko. Nalukot ang plastic na bote na hawak ko habang pinanonood sila na nagtatawanan.
Sinasabi ko na nga ba at may konalaman si bruha kaya palaging wala tong si Theo. Naglalandi na si bes pano na yan. Parang nung nakaraan may pa confuse confuse pa siya arghh!
Umandar na uli ang kotse ni Theo.
Parang huminto lang sila para asarin ako ah.
Inis akong naglakad pabalik ng bahay. Malayo layo pala ang narating ko kakaisip. Sana pala di na ko nagpahinga nasira lang araw ko.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
General FictionAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...