Chapter 4

229 31 3
                                    

Nagising ako dahil sa maingay na tao sa labas. Nagtalukbong ako ng kumot nang marinig ang boses ni Theo. Ang aga naman niya nandito sa bahay namin.

Anong oras na ba at nambubulabog na to?

I groan when he started shaking me.

"Theo! " bawal ko sakanya at gumulong palayo.

"Paige we'll be late on our first day. Bumangon ka na. " sabi niya at niyugyog na naman ang balikat ko.

Bumangon na ako dahil naiinis ako sa kakayugyog niya.

"Oo na eto na. " inaantok kong sabi saka nag-inat. Nanatili akong nakapikit habang nakaupo.

"Kilos na. " sabi niya at paulit-ulit na sinundot ang pisngi ko.

"Aish. " tinampal ko ang kamay niya at tumayo na. Dumeretso ako sa banyo para maligo.

Lumabas ako sa banyo ng naka roba. Hindi kasi ako nakapaghanda ng gamit at dumeretso lang sa banyo kanina. Nakita ko siyang nakahiga sa higaan ko habang naglalaro ng games sa cellphone niya.

Parang baliw nakakunot pa ang noo.

Kinuha ko ang blower at sinaksak sa outlet na malapit sa higaan ko. Umupo ako sa kama at sinimulang iblower ang buhok ko. Inaantok pa ko parang masyado pang maaga.

Naghigab pa ko at bumaling sa orasan ko na katabi ng lampshade. Napahinto ako sa pagboblower nang makita ang oras. Hinarap ko si Theo na busy pa rin sa kakadutdot ng cellphone niya. Kinurot ko siya sa tagiliran at hinampas.

"Aray! Bakit bigla ka na lang nangungurot at nanghahampas diyan Paige? " sabi nito habang hinihimas ang tagiliran.

"Sabi mo malelate na tayo?" inis kong tanong sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Oo nga tignan mo 5:30 na. "

"Yun nga eh! 5:30 pa lang. 8 ang pasok natin Theo, 8." sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.

"Okay lang yan the earlier the better. " sabi niya at bumalik na naman sa paglalaro ng games.

"Dami mong knows! " napairap ako at bumalik sa pagboblower ng buhok.

Nang matuyo ang buhok ko ay nagsuklay na ako at nag lagay ng pulbos. Naglagay din ako nang lip balm para di matuyo at magkakulay naman ang labi ko.

Pagkatapos ko maglagay ay bumaling ako kay Theo.

"Hoy lumabas ka." nag-angat siya ng tingin sakin.

"Bakit? " tanong niya at binalik ang atensyon sa cellphone.

"I need some privacy, you know. " sabi ko at hinatak siya patayo.

"Dami mong knows. " sabi niya na ginaya pa ang tono ko kanina. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan niya.

"Lumabas ka nga! Magbibihis na ako." sabi ko at tumayo na siya.

"Parang may makikita naman. " sabi niya at agad ko siyang binatukan.

"Gago, labas ka na nga. " sabi ko at pinagtulakan siya palabas. Pagkalabas niya ay agad kong sinara ang pinto.

Kinuha ko ang uniform na gagamitin ko na nakasampay sa hawakan ng cabinet. Hinubad ko ang aking roba at tinanggal sa hanger ang uniform ko. Isusuot ko na sana ang blouse ng uniform ko nang biglang bumukas ang pinto at sumilip si Theo.

Nanlaki ang mga mata ko nang dirediretso siyang pumasok sa kwarto ko at kinuha ang bag niya.

"Nice one hello kitty. " agad akong natauhan sa sinabi niya at napatingin sa underwear ko.

Saving Him #PHTimesAwards2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon