Chapter 31

194 21 0
                                    


Inilabas ko ang mga cookies na ginawa ko sa oven. Inilapag ko ito sa lamesa at hinubad ang suot kong pot holder.

Huminga ako ng malalim at naamoy ang mabangong amoy ng cookies.

"Wow. "

Napalingon ako sa likuran ko ng may marinig akong nagsalita. Lumapit sakin si Theo at manghang tinignan ang mga cookies na ginawa ko.

"Ikaw gumawa ng mga to?"

"Oo naman."

Kumuha ako ng plato at nilapag ito sa mesa.

"Bakit ka naman gumising ng maaga para dito? Para kanino ba to?"

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Para kanino pa ba? Sino ba may paborito rito?"

Tinuro niya ang sarili at tumingin sa mga cookies saka sakin.

"Para sakin yan?"

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

"Oo tss. Kilig ka na niyan?"

Nakangiting napailing ako at inilipat na ang mga cookies sa plato.

"May kasalanan ka ba kaya mo ko pinagbake ng cookies?"

Kumuha siya ng isang cookie at hinipan hipan ito bago kagatin.

"Wala ah. Maaga lang talaga ako nagising kanina kaya naisip ko na magbake na lang tutal matagal na noong huli akong nagbake."

"Ah so hindi talaga ako naisip mo kaya nagbake ka nito."

"Syempre naisip kita noh kaya nga para sayo to kasi nung nagbebake ako ikaw nasa isip ko."

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang naglilipat ng cookies. Parang ang cheesy na kasi ng mga sinasabi ko.

Nagulat ako nang higla akong halikan sa pisngi ni Theo. Nanlalaking mata ko siya tinignan.

"Thank you Paige. I really really appreciate this." sabi niya't niyakap pa ako.

Natulala na lang ako dahil ayaw tanggapin ng utak ko ang nangyayari. Samantala, ang puso ko ay ang bilis ng tibok. Mukhang sayang saya ito sa nangyayari.

Niyakap ko rin siya pabalik at napangiti. Pakiramdam ko ay lumabas na ang kaluluwa ko sa katawan.

"You're the best bestfriend Paige!"

Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ito.

Oo nga pala bestfriend niya lang ako kaya bakit ako kikiligin eh yun lang naman ang tingin niya sakin.

I sigh.

"Drama mo!"

Kinurot ko siya sa braso at humiwalay na sakanya.

"Aray ko naman Paige."

Nakanguso niyang sabi habang hinihimas ang braso niyang kinurot ko.

"Buti nga."

Inirapan ko siya at nilagay ko na sa lababo ang tray.

Pagbalik ko sa mesa ay nakaupo na si Theo at nilalantakan na niya ang cookies.

"Parang bata." naiiling ko na sabi.

"Bakit sinong nagsabing bata lang ang pwedeng kumain ng cookies?"

"Ako bakit aangal ka?" taas kilay kong sabi sakanya.

"Hindi syempre kasi kapag umangal ako kukunin mo tong mga cookies eh."

"Buti naisip mo."

"Ako pa!"

Sinubo niya ang buong cookie at ngumiti sakin.

Saving Him #PHTimesAwards2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon