I decided to have a Plan C. The Plan A and B are failed.
Plan C: Make him happy
Maybe he will notice me if I make him happy? Baka marealize niya na ako yung nagpapasaya sakanya kaya hindi na niya kailangan pa si Haruka na bruha.
Sinara ko ang notebook na sinulatan ko at tinago sa drawer ko. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Theo na paakyat napangiti ako.
"Good morning! " masaya kong bati sakanya. Ngumiti siya sakin pabalik.
"Good morning din Pahina. " inakbayan niya ako at sabay kaming bumaba.
Papunta na sana ako sa garahe namin pero hinatak niya uli ako pabalik sa tabi niya.
"San ka pupunta? " tanong niya.
"Kukunin yung kotse ko? " patanong kong sagot.
"No! Ako na magdadrive! The last time you've drive I almost died. Akala ko nga nun aatakihin na ako sa puso. " sabi ni Theo at namutla. Napanguso ako.
"I hate you. " nagtatampo kong sabi.
"I love you too. " napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya. Ako ang aatakihin sa puso dahil sakanya eh.
How I wish it was a romantic love not love as a friend.
Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta ng academy. Naghiwalay na kami at pumasok sa kanya kanya naming room.
PAGKATAPOS ng klase ay lumabas na ako ng room.
"Pai! "
"Pai! "
Napatigil ako sa paglalakad pagkalabas ko ng building. Nakita ko kasi sa may di kalayuan si Theo at si Haruka. Mukhang binalik ni Theo ang ID ni Haruka.
Bwisit naman. Mga paraparaan ng babaeng to.
Naikuyom ko ang kamay ko.
"Kalma ka lang Pai. " nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko.
"Ikaw pala Shogo. " gulat kong sabi.
"Pai yung mga papel na hawak mo kawawa." napatingin ako sa papel na bitbit ko. Agad kong niluwagan ang pagkakahawak ko sa mga papel.
"Teka bat mo ko tinatawag na Pai? " taka kong tanong kay Shogo.
"Gusto ko eh bakit ba? " mataray na sabi ni Shogo.
"Aba baka gusto mo ireveal ko ang secret mo sa mga kasama mo sa varsity. " taas kilay kong sabi sakanya. Namutla naman si Shogo.
"Wag! Ano ka ba hindi na ako makakasabay maligo sakanila nun! " reklamo niya at napaawang ang bibig ko.
Yun talaga inalala niya eh noh.
"Alam mo bang nakasabay ko na rin magshower yang fafa mong best friend? Omg lang ulam na ulam. Ang laki pa—" tinakpan ko ang bibig ni Shogo dahil palapit na si Theo samin.
"Oh Shogo magkakilala pala kayo ni Pahina? " tanong ni Theo.
"Hmmmp. " agad kong tinanggal ang kamay ko sa bibig ni Shogo.
"Pinapatay mo ba ako Pai. " seryosong sabi ni Shogo at lalaking lalaki pa ang boses niya. Pinigilan kong matawa sakanya.
"Magkakilala kami Theo. Nilapitan ako niyan nung isang araw eh. " sabi ko kay Theo.
"Kahapon lang yun kung maka isang araw ka naman. Loner kasi yan kahapon kaya nilapitan ko. Naisip ko na baka alam mo na baka kailangan niya ng kasamang gawapo na tulad ko. " pagyayabang ni Shogo. Napailing ako at kumapit sa braso ni Theo.
BINABASA MO ANG
Saving Him #PHTimesAwards2019
General FictionAkala ko noon magiging masaya na siya dahil sa wakas sila na nung babaeng pangarap niya. Akala ko nagmamahalan silang dalawa.Akala ko... Akala ko alam na niya ang lahat tungkol sa babaeng yon pero ang lahat ay akala ko lang pala. It's already late...