Chapter 3

250 31 0
                                    

Dito na ako pinatulog ni Tita sa bahay nila. Nasa guest room ako ngayon at nakahiga. Sinusubukan kong lusawin ang kisame gamit ang tingin ko.

Napabuga ako ng hangin at kinuha ang unan sa ulunan ko saka niyakap.

I need to rest.

Maga pa rin mata ko dahil sa kakaiyak. Pumikit ako at nag-isip-isip hanggang sa naging weird na ang takbo ng iniisip ko. Ibig sabihin ay tuluyan na akong nahatak ng antok.

Naglalakad ako papunta sa kwarto ni Theo nang mapatingin sa taas. Napasinghap ako nang makita ang sahig imbes na ang kisame.

What?!

Nanlaki ang mata ko ng marealize na nakabaligtad pala ako. Naglakad ako papunta sa pader at umapak sa sahig. Hindi man lang ako nalaglag o ano habang naglalakad pataas. Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa kwarto ni Theo.

Napahawak ako sa aking bibig nang makita si Theo na nasa ibabaw ni bruha. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Wala silang ginagawang milagro pero si Theo ang may ginagawa. May ginagawang masama!

Sinasakal niya si Bruha gamit ang dalawang kamay niya. Unti-unting nawalan ng hininga si Bruha at bumagsak ang mga kamay niya.

Napaatras ako nang lumingon sakin si Theo. Kakaiba ang itsura niya at nanlilisik ang mga mata. Para siyang papatay ng tao.

Tumakbo siya papunta sakin at may nilabas na...... teka sandok?

Napabangon ako bigla kasabay ng pagkulog nang malakas. Napailing ako sa panaginip ko at sa halip na matakot ay natawa. Tumingin ako sa oras at napabusangot nang makitang nakaidlip lang pala ako.

Muli na namang kumulog nang malakas saka ko naalala si Theo. Kailangan niya ng kasama sa ganitong sitwasyon. Mayroon siyang phobia na hindi namin alam ni Tita kung saan niya nakuha.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Theo sa kwarto niya. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Tinignan ko muna kung walang kakaibang nangyayari.

Clear.

Walang bruha at walang killer na Theo na sandok ang dala.

Pumasok ako sa loob at nilapitan si Theo sa higaan niya. Nakatalukbong siya ng kumot kaya hindi ko alam kung gising ba siya o nanginginig na naman sa takit.

"Theo? " tawag ko sakanya at umupo sa kama. Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin para yakapin.

Natumba ako sa higaan niya dahil sa paghatak niya. Naramdaman ko ang panlalamig at panginginig ng katawan niya. Sa tuwing kumukulog at kumikidlat ganito nangyayari sakanya. Napabuga ako ng hangin bago siya daluhan.

"Theo. Calm down. " humiga ako nang maayos at niyakap siya. Agad siyang sumiksik sa leeg ko kaya napahinto ako sa paghinga.

Last day ko na ata to. Aatakihin na ako sa puso ngayon. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Si Theo talaga ang papatay sakin.

Kumidlat at kumulog na naman ng malakas kaya't mas napahigpit ang yakap sakin ni Theo. Hinimas ko ang likod niya kahit gusto ko na rin magpanic dahil sa ginagawa niya.

"Theo. You're safe with me. Relax ka lang hindi tayo tatamaan ng kidlat. " pagpapahinahon ko sakanya. Napabuntong hininga ako nang patuloy pa rin siya sa panginginig.

Humiwalay ako sakanya at hinawakan ang mukha niya. Hinarap ko siya sakin at tinitigan siya sa mata. Halos hindi siya makatingin sa mata ko dahil sa pagiging aligaga.

"Theo. Wag ka matakot babantayan kita. Sisiguraduhin ko na hindi tayo tatamaan ng kidlat, okay? Hindi kita iiwan," sabi ko na parang bata ang kausap. Tumango tango siya kaya't napangiti ako.

Saving Him #PHTimesAwards2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon