Embarrassment
( Insisting means stupidity sometimes. )
"Woahhh! Go Wanton! Go! Go! Go!" Sigaw ko habang may dala-dalang banner na may picture at pangalan ni wanton my love! Oh my God!
Tumatakbo siya habang seryosong dinidrible ang bola. Pawis na pawis ang kanyang noo, balikat at buo niyang katawan. Nanginig tuloy ang kamay ko habang binabalandra sa taas ang banner niya.
Oh God! Even he's sweating so much he still manage to look handsome. Lumakas tuloy ang tibok ng puso ko!
"Woah! Woah! I love you Wanton!" Sigaw ko nang nai-shoot niya ang bola. Three point shot 'yon kaya lumulundag-lundag pa ako dahil sa tuwa. Grabe, ang galing ng baby ko! Ang gwapo pa! Napakaswete ko talaga dahil minahal ko siya ng ganito katindi!
Pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang Jersey na damit. Mas nag mukha tuloy siyang hot sa mga mata ko! Shocks, ganito ba talaga ako ka baliw sa kanya?!
"Woah go Wanton! Ang galing mo talaga!" Sigaw ng mga babaeng nasa likod ko at nasa mas mataas na bleachers. Para silang uod habang kinikilig at sinisigaw ang pangalan ni Wanton my loves ko! Mph, akala naman nila ang ganda nila para isigaw ang pangalan ng baby ko! Hindi ba nila alam na ako lang ang may karapatan kay Wanton ko? Ehhhh, ang gwapo talaga niya!
Pinasadahan ko ng tingin ang buong basketball court at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sobrang dami ng nanonood. Ang nasa kabilang bleachers karamihan don mga lalaki habang dito naman sa puwesto ko ay halos mga babae at sa harap naman ay halo.
Karamihan sa mga babae ay may dalang banner na may mukha at pangalan ni Wanton kagaya ng sakin. Bumusangot tuloy ang mukha ko. Ang dami ko namang karibal sa baby ko bwesit!
Pero di hamak naman na mas maganda ang banner ko keysa sa kanilang lahat! Mph, ang mahal kaya ng pagpagawa ko dito. Akala naman nila malalamangan nila ako sa pagmamahal sa baby ko! No way, no, no!
"GO WANTON! I LOVE YOU!" Sigaw ko ulit ng malakas. Halos maputol ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng boses ko.
Nakita ko naman ang paglingon ng grupo nina Drixie sa akin. Nakatingin sila sa akin ng masama pero wala akong pakels, mas itinuon ko nalang ang pansin ko kay Wanton. Kahit naman lahat ng may fans club ni Wanton ay nandito at ako nagiisa lang na may dala-dalang banner niya ay siguro naman ako na ako ang totoong nagmamahal sa kanya. Oo, matapang akong sumisigaw dito mag-isa, walang kasama hindi tulad sa iba na isang grupo talaga. Para na nga akong bata dito dahil pinapalibutan ako ng ibang may gusto kay baby loves. Ang dami kaya nila! Tsk, bahala naman basta alam kong mahal ko si Wanton! Ehhhh!
In this school, everybody knows how I'm crazy in love with Wanton. Hindi na sila magtataka na kahit maghubad man ako sa harapan nila para kay Wanton ay maaari kung gawin. Akala nila may tupak na ako dahil sa sobrang baliw ko sa kanya at hindi ko alam kong bakit na imbes magalit ako na pinaparatangan nila akong baliw ay mas natutuwa pa ako dahil may ka dugtong ang sinasabi nilang baliw na may nakakabit na pangalang Wanton. Mas lalo tuloy akong kinikilig!
Naghiyawan ang mga tao nang naipasok ulit ni Wanton ang bola na may katumbas na tatlong puntos. Oh my God! I'm so in love with him! Siguro ang pagmamahal ko sa kanya ay isang bawal, ang hirap kasing pigilan pero kinakain ko pa rin!
Marami na namang tumili na mga babae at kasali na ako don. Napahawak pa ako sa railings dahil may ibang mga babaeng nagtutulakan dahil sa sobrang kilig. Pero kahit ganon hindi ko na 'yon pinapansin dahil gaya nila tumitili rin ako at tumatalon.
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...