FrozeNote:
Hindi ko binasa ito kaya asahan ang mga kulang na mga letra at mga maling pagbaybay din ng mga letra. Asahan din ang mga maling gramatika. Ikakapasalamat ko ang lubos niyong pang-unawa :)
-----------------------------------------------
Chance(You are the only one who makes your destiny. It is your choice...)
"Ma! Ayoko pong umalis ng
bansa!" Sigaw ko pagkatapos kong matulala ng ilang sandali.Pupunta sa New York? Doon na titira? Mag-aaral? No! Ayoko!
"Why? Ayaw mo bang mag-aral sa ibang bansa, Anak? Mas maganda ang mga schools doon."
"Ayaw kong umalis ma. Gusto ko rito lang. Hindi po ako aalis ng pilipinas."
Ba't ko gagawin 'yon? Nandito lahat ng mga taong importante sa akin. Mga kaibigan ko, kamag-anak, ang libingan ni papa. Kung pupunta ako ng ibang bansa ay hindi ko 'yon madadalaw.
At isa pa...si Wanton.
Lumungkot ang mukha ni mommy.
"So you'll not going to come with?"
"I don't want you to there too, mom. We'll stay here for good. Sapat na po ang sweldo niyo rito sa pilipinas para mabuhay tayo, ma. Ayoko pong mag-hiwalay din tayo."
Ngumiti si mommy."If that's what you want, okay then. Tatanggihan ko ang promotion..." Sabi niya na nagpangiti sa akin.
Lumapit ako at niyakap siya."Thanks, mom!" Nagagalak kong sigaw.
"Pero kailangan pa rin natin pumunta. Aside kasi sa na promote ako. May seminar din kami ng dalawang linggo roon and I need you to come with me."
"Kailan po?"
"Right after your graduation."
Tumango ako. It's just two weeks and I know I can survive. Uuwi rin naman pagkatapos. Hindi ko pa rin hahayaang mag-hiwalay kaming dalawa.
"Pupunta kang New York?!" Sigaw ni Kylie sa gulat pagkatapos kong ibinalita sa kanila ni Gally na pupunta akong New York pagkatapos ng Graduation.
"What are you saying, Madden. Wag mong sabihing iiwan mo kami rito?! Bakit ka pupuntang New York? Para maka move-on kay Wanton?! I can't believe your reason, Madden!" Sigaw niya ulit na parang walang narinig sa ikinuwento ko kanina.
"Tumahimik ka nga! Hindi 'yan ang rason ko! Hindi mo ba ako narinig kanina? I said, pupunta ako para samahan si mommy sa kanyang seminar! It's just two weeks at babalik din agad ako."
"Why can't you just let tita go alone with that seminar? Two weeks lang naman pala. Pwede kang wag sumama."
"Hindi pwede. Pag-ginawa ko 'yan baka roon na talaga ako papag-aralin ni mommy. I promised that I will go with her."
"Paano kong mag bago ang isip ni tita pag nandon na kayo? Paano kong bawiin niya 'yong sinabi niya at gusto niya nalamang manatili roon?"
"Hindi 'yan magagawa sa akin ni mommy."
"We don't kno---"
"Tita's love her daughter so much, Kylie. Wag mong pag-isipan ng masama." Sabat ni Gally.
"I'm just being honest here. I'm telling the possi---"
"And that's not include the possible of tita lying her daughter. Stop it, Kylie."
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...