Chapter Eight

71 3 0
                                    

Team Captain

(I can make my moves on my own and hide it through my action.)

"Hindi mo alam ang dahilan kong bakit nagagawang manggamit ng iba para makuha ang gusto nila. Kaya wag mong sabihin sa akin na kaduwagan ang tawag don dahil wala kang alam."

Hindi mawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Wanton. Paulit-ulit umaandar sa aking utak ang mga katagang iyon. Para bang isa iyong ni-record sa aking utak.

Isa lang kasi ang dahilan.

HINDI KO MAINTINDIHAN.

Hindi ko maintindihan kong ano ang pinupunto niyang iyon na kung makapagsalita ay parang nakikipagdebate sa akin. Aba? Malay ko bang malaki ang epekto ng sinabi ko sa kanya? At bakit ba galit na galit siya? Inaano ko ba siya? Sinabi ko lang naman iyon dahil opinyon ko 'yon, malay ko bang 'yon ang ikakainis niya sa akin?

At bakit ba kong makaasta siya ay parang 'yon ang ginagawa niya? Hindi naman siya manggagamit ah? Tumatayo naman siya gamit ang sariling mga paa, ang hirap kayang tumayo kong ibang paa ang ginamit! Try niyo!

"Hays, ba't ba kasi hindi mo nalang ako ligawan? Di sana, campus couple na tayo ngayon. Ang arte mo kasi." Sabi ko habang hinahaplos ang picture ni Wanton habang nakahiliga.

Ang ganda ng makulimlim niyang mga mata tila hinihigop ako sa tuwing tinititigan ko ito. Gumagaan rin ang aking pakiramdam habang tumititig ako sa kanyang mga mata.

Ang haba rin ng kanyang pilikmata, para siyang naka eyebrow sa kapal ng mga ito. Ang kanyang ilong ay napakatangos bagay na bagay ang hulma nito sa kanyang mukha na mas lalong nakakapagpagwapo sa kanya lalo na ang kanyang permeng panga at pisngi. Mas lalong nadedepina kong gaano siya katigas at kagwapo. At higit sa lahat ay ang kanyang kissable lips.

Hinaplos ko ito. Para ako nitong hinihigit palapit para lang mahalikan siya. Kasing pula ng mansanas ang kanyang mga labi, nahiya tuloy ang labi ko na kailangan pa talagang lagyan ng lipstick para pumula.

Kung tutuosin, ang perpekto na niya...

"Nakakain-love ka talaga. Kailan ka ba kasi magiging akin?"

"Pangit ba ako? Bakit hindi mo ako magustuhan?"

"Masama ba ang amoy ng kili-kili ko? Ba't nandidiri ka pag malapit ako?"

"Ba't ba kasi ayaw mo sa akin? Hindi ba ako naka pasa sa standards mo?"

"Ba't ang iba pinapatulan mo? Ako hindi. Ano bang mayroon sa kanila na wala ako?"

"Mag-aadjust naman ako, sabihin mo lang. Kung kailangan kong baguhin ang sarili ko, gagawin ko para sayo."

Kaso alam ko naman na kahit baguhin ko man ang sarili ko, isang rason pa rin ang sasabihin mo na hindi ko kailanman maiintindihan.

Hindi naman ako bobo pero sadyang hindi ko lang talaga maintindihan ang rason mo lalo na sa ganito kagandang tulad ko.

"Wit, 'yong mommy mo nga pala maagang pumasok, kung may gusto ka d'wang puntahan ngayon mag text ka daw sa kanya."

Tumango ako kay manang."Sige ho, manang. Ako na pong bahala."

Chasing YouWhere stories live. Discover now