Chapter Five

59 3 0
                                    

Detention


(It's better to hurt you now than to hurt you soon.)


Pag talaga minalas ka kahapon ay mas lalo ka namang mamalasin ngayon. Hindi ko alam kong bakit kong kailan ka nagmamadali don ka pa matatamaan ng kamalasan. Akala ko ay kahapon lang ako minalas pero langya pati ba naman ngayon dala ko pa rin? Seriously? May balat ba ako sa pwet?

"Miss Mendel, you're late. Maaupo ka na sa upuan mo at hindi ka na pwedeng sumagot sa test 1. Since hindi mo rin naman alam ang tanong." Sabi ng aming adviser.

Takte, long quiz.

Mabigat ang mga paang umupo ako sa aking upuan. Nakita ko ang pagkurba ng mga labi ni Drixie, para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari.

"Next time that you'll be late, I will consider you absent and that means kung alam mong late ka na ay wag ka nang pumasok sa subject ko." Supladang sabi ni Ma'am.

Bumusangot ako. Ngayon lang naman ako na late sa subject niya pero kong sitahin ako ay parang araw-araw ko itong ginagawa. Tsk, palibhasa sa tuwing inaagahan ko ay siya naman itong late. Hindi ko nga siya sinisita pero dahil guro siya ay dapat siyang respituhin.

Nagpatuloy siya sa quiz. Hindi ko nasagutan ang test 1 dahil tulad ng sabi niya, hindi ko alam ang tanong. Bangag kong sinagutan ang mga tanong na sinasabi niya lang. Pakiramdam ko ay kunti lang ang makukuha kong score dahil hindi naman ako nakapag-aral, wala rin ako kahapon kaya 'yong diniscuss nila ay hindi ko alam. Ito pa naman ang karamihang lumabas sa quiz ngayon.

"Who got the highest score?" Tanong ni ma'am pagkatapos chineck ang mga papel.

"Si Drixie Del Valle ma'am. 59 over 60." Ani ng aking kaklase.

"Very good miss Del Valle. Our passing score is 45. Pass the paper to those who passed."

Mabilis namang pinasa ng mga kaklase ko ang papel. Halos lahat ay pinasa nila.

"Wow, I think lahat ay pumasa sa quiz na ito. Very good---"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang may nagtaas ng kamay.

"Ma'am, may isa pong hindi nakapasa!" Anang payatot kong kaklase.

Lumunok ako.

Kumunot ang noo ni ma'am. "And who?" She asked.

"Witless Mendel. She got 30 over 60." He confidently said.

WHAT?!!!

Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni payatot. Hindi ako makapaniwala. Half score lang ang nakuha ko sa long quiz na'to! Shit, nakakahiya! To think na first time ko itong hindi nakapasa! Nakakahiya talaga. Section one tapos ganito ang score? Oh, nasan ang hustisya?

Malamig na tingin ang ibinigay sa akin ng aking guro."Don't expect higher grades to me miss Mendel, lalo na't ganyan lang ang score na ibibigay mo sa akin. You didn't even passed." Pangiinsulto niyang sabi.

I hate this teacher. Diba dapat i-motivate niya ako na mag-aral sa susunod para makapasa? Bakit parang iniinsulto pa niya ang kalidad ko.

"What do you expect ma'am? Even her name sounds stupid." Drixie said.

Lahat nagtawanan sa sinabi niya.

Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin.

Ang sarap bigwasan ng mukha niya! Ang kapal ng mukha na kasing kapal ng make up niya! Kala mo ready ng ilagay sa kabaong!

Chasing YouWhere stories live. Discover now