Chapter Seven

74 3 2
                                    

Selos

(You don't know I was hurt inside and I can't do anything but to feel it)

"San ka galing kahapon Madden? Bakit hindi ka sumabay sa aming umuwi?" Tanong agad sa akin ni Kylie pagkaupo na pagkaupo ko palang sa silya.

"Diba ti-next ko kayo na nasa library---"

"At bakit ka nasa library?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"M-may tinapos lang kaming group activity ng mga kaklase ko."

"Anong group activity?" Tanong niya ulit.

"Sa business math 'yon. Ah, di mo maiintindihan. HUMS ka e,"

"Ka grupo mo ba si Brenna?"

Nagulat ako sa tanong na 'yon. Ba't ang dami niyang tanong? At kailangan ko bang magsinungaling na kasama ko si Brenna?

"O-oo, kasama ko siya."

Naningkit ang mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin. Paktay, I know that look.

"Anong oras kayo pumuntang library?" Tanong niya ulit.

'Yong tono ng pagsasalita niya parang...parang 'yong tonong nanghihinala.

"P-pagkatapos ng huling subject namin."

"Ganon ba, kung ganon bakit namin NAKASABAY si Brenna'ng lumabas ng school PAGKATAPOS ng klase? Paano niya pinagsabay ang pagpunta sa library at paglabas sa parehong oras? Sabihin mo nga,"

Paktay!

"Ah..." Tinignan ko si Gally na tahimik lang habang hinihintay ang aking sagot. Seryoso siya at inaabangan talaga ang sagot ko.

Lumunok ako.

"B-baka 'y-yong kaluluwa niya lang 'yong n-nakasabay niyo---"

"Sige magbiro ka pa at tatadyakan na kita." Putol sa akin ni Kylie.

Waaaaah! Katakot naman ng kaibigan ko!

"S-siguro kakambal ni Brenna 'yong n-nakasabay---aray Kylie! Masakit ah!" Sigaw ko nang bigla niya akong tinadyakan sa ilalim ng mesa.

"Magsabi ka ng totoo! Wag mo kaming dinadaan sa biro!"

Ngumuso ako. I-remind niyo nga akong wag biruin si Kylie.

"Ba't hindi ka sumabay sa amin kahapon? Ano pang ginagawa mo don sa library?"

"Kylie nag-aaral lang ako do---"

"Baka nakalimutan mong sa bahay kalang ninyo nag-aaral made dahil ayaw mo sa library." Si Gally.

"G-gusto ko na ngayon!"

"SINUNGALING!" Sigaw ni Kylie.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin Madden?" Kalmanteng tanong ni Gally.

Ba't ba ang dali nilang malaman na may itinatago ako sa kanila? Di ko naman sinabi sa kanila ang problems ko ngayon kaya bakit ang dali nila akong mahuli?

Hindi ako sumagot at patuloy lang ako sa pagnguso.

"Sumagot ka Madden! May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Si Kylie.

Ba't ba kasi ang talino nilang parehas? Ang dali lang nilang makalanghap ng balita patungkol sa akin. Fans ko ba sila?

"W-wala,"

Chasing YouWhere stories live. Discover now