Chapter Nine

63 4 0
                                    

Effort

(always remember that love and pain are partners.)


Tinitigan niya ako gamit ang malalamig niyang mga mata nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nanatili lang nakatanga.

Nakasuot na siya ngayon ng kanyang Jersey. Malinis at sobrang gwapo ang looks.

Nakaipit sa baywang niya ang bola habang ako'y sinisipat. Matagal bago siya naglakad palapit sa akin.

Ako'y napalunok.

"Alis 'jan, maglalaro kami." Aniya sabay dribble sa bola at tumakbo pagkatapos ay nilagpasan ako.

Umawang ang aking labi. Nilingon ko siya na busy na ngayon sa pagshoot sa bola. Isang sipat sa akin at shoot ulit sa bola.

I smiled. Ang galing ng baby ko.

Nagmarsta ako patungo sa mga bleachers at nanood sa laro nila. Pagkaupo na pagkaupo ko palang ay tinignan ko na ulit siya pero nagulat ako dahil masama na agad ang tingin niya sa akin.

What the hell? Ano na naman ang nagawa ko? Ba't ang sama na naman niyang makatingin?

Iniwas ko ang aking paningin at nagkuwaring sinipat ang aking sapatos.

Ilang sandali ang pinalipas ko at tumingin ulit sa mga naglalaro lalong-lalo na sa kanya.

Napanguso ako. Ang gwapo niya habang pinipigilan ang isang player sa paglusot upang makapuntos. Seryoso ang kanyang mukha at napakaswabe ng bawat galaw niya. Tila isa na siyang napaka professional na player.

Blinlock niya ang bola nang tumira ang player. Isang talon ang kanyang ginawa at nagawa niyang pigilan ang bola sa pagpasok. Naagaw ito ng isa niyang kakampi. Pumwesto siya sa labas ng linya kong saan titira ng 3 point shot. Isang pasa sa kanya ng kakampi at sinalo niya agad ang bola at walang pagdadalawang isip itong tinapon sa ring.

Napanganga ako nang walang habas na pumasok ang bola. Saktong-sakto sa ring.

Kumurap-kurap ang aking mata.

A-ang g-galing.

Isang lingon ni Wanton sa akin ay nawala agad ang aking pagkamangha lalo na't sobrang sama na ng pagtingin niya sa akin.

Mabilis kong iniyuko ang aking ulo at tumingin ulit sa aking sapatos.

Ba't ba ganon siya makatingin? Nanonood lang naman ako ah? Anong masama sa panonood?

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. May binubulong siya sa kanyang isang kasama. Pagkatapos niyang bumulong ay nag-angat ulit siya ng tingin patungo sa akin at ganon pa rin ang kanyang tingin. Bago pa ako makayuko ay binawi na niya ang kanyang paningin at bumalik ulit sa laro.

Nagulat nalamang ako nang lumapit sa akin ang lalaking binulungan niya kanina patungo sa akin.

Ngumiti ito nang nakalapit. "Hi, Witless right?"

Sinuklian ko rin ang ngiti niya at tumango."Yes, bakit?"

"Ah, kasi pinapasabi sa akin na bawal manood ngayon sa mga ganitong oras lalo na't may klase."

"Excuse ako sa lahat ng subject ko e kaya wala akong pasok." Maikli kong eksplinasyon.

"Ganon ba, kasi bawal parin. Kailangan kasi pag nagpapraktis ay 'yong player lang daw 'yong papasok sa gymnasium."

Chasing YouWhere stories live. Discover now