Flowers(It's the mind who controlled anything and it's the heart who controlled everything)
Sa loob ng dalawang linggong semestral break ay napili namin ni mommy na magbakasyon sa isang kamag anak namin sa ibang probensya. Doon ako namalagi kasama ang mga pinsan ko roon. Nakakarelax din talagang magbakasyon lalo na kung napakamaaliwalas ng lugar na pinagbabakasyunan.
Ang puting buhangin sa tabing dagat, napakalawak na tanawin at malinaw na tubig ng dagat ang mas nakakapagrelax sa akin sa semestral break. Bukod don ay masasarap pa ang mga pagkain.
I cannot control myself from swimming almost everyday. My cousin always invited me. Iba-iba kasi kami ng mga pinanggagalingan at minsan lang kaming makapagbonding at minsan ring makapunta ng dagat kaya dahil don ay halos araw-araw din silang nag-aaya sa aking maligo, wala naman din akong magagawa. Gusto ko ring maligo sa napakalinaw na dagat.
Kaya naman ang resulta ay naging kulay kayumanggi ang balat ko. Hindi na nga ako ganoon kaputi noong hindi pa ako naliligo ng dagat ngayon ay pakiramdam ko ako ang nawawalang kapatid ni Blackjack. Si Negra.
"Umitim ka ah? Na sobrahan?" Puna sa akin ni Gally. Unang araw ng pangawalang semester.
Sad to say, ang bilis matapos ng semestral break. Isang bukas lang ng mata, hindi mo mamamalayang tapos na pala. Nalulungkot tuloy ako dahil alam kong sa susunod na taon na naman ulit ang bonding namin ng aking mga pinsan. Ang saya pa naman nilang kasama.
Ngayong balik eskwela na naman ulit, ang problemang ibinaon ko ng panandaliang araw ay bumalik.
Mas maganda pa rin talagang tignan ang magandang tanawin sa dagat kaysa ang harapin ang problema at mag-isip kung papaano ito sosolosyunan.
"Nasobrahan sa paglangoy." Sagot ko kay Gally.
"Halata nga. Buti hindi ka nalunod?" Si Kylie naman ngayon.
Nagkibit ako ng balikat. "Magaling ako e,"
Katulad ko ay nagbakasyon din ang dalawa sa kani-kanilang probensya. Hindi ko mawari kung naligo rin ba ang dawala sa dagat. Hindi ko kasi makita sa balat nila ang kaunting pag-itim man lang. Ang puti pa rin ng dalawa tulad ng dati. Takot yatang umitim ang dalawang to e. Sabagay kahit siguro ilublob nila ang mga sarili nila sa dagat, maliit pa rin ang chance na umitim. Ganon sila kaputi.
Para yatang kaming tatlo ang girl version ng tatlong bebe. At ako si Blackjack?
Hays! Ano ba 'tong iniisip ko! Kailangan palitan!
"Kayo? Nag-enjoy ba kayo sa bakasyon? Parang hindi halata sa mga balat niyo ah." Pangbu-bwesit ko rin sa kanila.
"I'm sure I enjoyed my Japan trip."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kylie. Tinignan ko siya.
"Pumunta ka ng Japan?! Akala ko ba sa cebu ka nagbakasyon?"
"Totoo iyon. But I spend another week in Japan. That's my mom birthday gift for me. Isasama ko sana kayong dalawa but my mind has change."
"Ang daya nito!" Asik ko.
"Hindi rin ako makakasama kung sakali. Sa Korea kasi kami pumunta ng family ko." Si Gally.
"Ano Gally? Korea?! Oh God, ba't hindi mo pinaalam 'yan sa amin?!"
Ngumisi siya."Gusto ko kayong inggitin."
Ang sasama ng ugali ng dalawang babaeng 'to. Kaya pala hindi sila umitim at mas lalo lang pumuti! Sa ibang bansa pala nag bakasyon!
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...