Chapter Fourteen

65 3 0
                                    


Pagod



(It is not wrong to be tired sometime, especially when there's no use to work out.)


Hindi ako nakukuntento sa pagtaas ng aking kumot para mas lalo pang matabunan ang aking sarili. Kahit na doble na ang kumot na binalot ko ay hindi ko pa rin mahanap ang init ng aking katawan. Hindi ako magkamayaw. Nanginginig ako at sobrang bigat ng aking pakiramdam na halos hindi ko na kayang idilat ang aking mga mata.

Para akong nakafreez sa ref sa sobrang lamig na aking nararamdaman. Hindi sapat ang kumot para masustintuhan ang aking pangangailangan. Kahit naka off ang aircon ay masyado pa ring malamig ang aking pakiramdam.

Sobrang sakit ng aking ulo na parang mabibiyak na ito. Ramdam ko ang pag-uumpisang pagkakaroon ko ng sipon at ubo. Hindi ako magkandaugaga at hirap ako sa pagtulog.

"Witless, lumabas ka na. Kumain ka na rito at baka ma late ka pa sa eskwela." Tinig mula sa labas.

Mas lalo ko lamang itinaas ang aking kumot. Ramdam ko ang pagkunot ng aking noo dahil sa hindi malamang kadahilanan. Ang alam ko lang ay masama ang aking pakiramdam.

Nang rumehistro sa aking utak ang exam namin ngayon ay napadilat agad ako. Ang liwanag galing sa labas ng bintana ang mas lalong nagpasakit sa aking ulo.

Kahit sobrang sama ng aking lagay ay pilit akong bumangon. Dumeritso ako sa banyo at naligo.

Sobrang ginaw ng tubig na halos himatayin ako. Tiniis ko iyon hanggang sa matapos.

Gusto kong ibalik ang katawan ko sa kama pero sa tuwing naiisip ko ang exam na halos nakalimutan ko na kung para saan ay pinipilit kong maging malakas para pumasok.

Tinabunan ko ng jacket ang suot kong uniporme. Habang nasa kotse at hinahatid ng driver ay kinuha ko ang notebook ko sa aking bag at binasa ang pwedeng lumabas sa exam ngunit sa sobrang sakit ng aking ulo ay maski isang salita ay walang rumerehistro sa aking utak.

God, i'm dead.

Nang makarating sa eskuwelahan ay dumeritso ako sa aming classroom habang hawak-hawak ko ang masakit kong ulo.

Tiningnan agad ako ng aming guro at pinagtaasan ng kilay.

"You are late miss Mendel. Pumasok ka na."

Binigyan niya ako ng test paper. Nanghihina akong napaupo sa aking silya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko isang pitik na lang at mahihimatay na ako.

Sumakit agad ang aking ulo nang tinignan ko ang exam. Lahat ng nakasulat ay hindi ko alam. Wala akong alam. Pamilyar ang mga tanong ngunit hindi ko alam kong anong isasagot.

Kahapon ay hindi ako nakapag-aral. Noong nakaraang araw ay hindi rin. Puro ibang bagay ang pinagtuunan ko ng pansin kaysa ang mag-aral.

Kaya ngayon, sobrang nagsisisi ako sa aking kapabayaang nagawa.

Shit, ano bang sagot dito?

Dumudoble na ang aking paningin. Bukod sa hindi ko alam ang sagot ay hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin. Isa lang gusto ko. 'Yon ay ang magpahinga.

"Times up. Pass your paper."

Namulat agad ang aking mata nang marinig ang boses ng aming instructor. Tiningnan ko ang aking papel na halos walang sagot.

Fuck! Ano bang sagot dito?!

Kahit sobrang sama ng pakiramdam ay pinilit kong sagutin ang iba kahit hindi ko alam.

Chasing YouWhere stories live. Discover now