Chapter Thirteen

61 3 0
                                    

Sigurado

(Minsan sa buhay kailangan mo munang masaktan ng sobra bago mo maiintindihan ang salitang tumigil na,)

Date. Date. Magde-date kami. Magde-date kami. Yes. Magde-date kami. Tama. Bukas. Magde-date kami. Gabi. Oo,  gabi. Magde-date kami...

"AHHHHH!" Sigaw ko sa sobrang kilig at gumulong-gulong sa aking kama na parang nababaliw."MAGDE-DATE KAMING DALAWA!! AHHHH!" Sigaw ko ulit na parang sinapian.

Gulong-gulo na ang aking kama dahil sa sobrang kalikutan. Para akong isang baliw na pilit kumakawala para hindi maipunta sa mental hospital.

This is it na talaga! Ang ultimate date ng taon! Me and Wanton! Oh my, does it mean he like me na?! Or is he fall for me? In love sa akin ganon? Oh my Gash! I can't wait for tomorrow! Iniisip ko palang ang pwedeng mangyaring date sa amin ay abot langit na ang aking kilig.

Ano kaya ang gagawin namin sa aming first date? 'Yon kayang common na ginagawa ng mag couple? Gala sa mall. Sine. Kwentuhan? O baka naman may hinanda siyang surpresa para sa akin?

Mas lalo akong kinilig sa naisip.

Di kaya, tulad ng napapanood ko sa movie ay pipiringan ako ni Wanton? Dadalhin sa mala paraisong hardin na may napakagandang liwanag na nakapalibot. May mesa sa gitna. May musika sa gilid saka niya ako isasayaw at dadamhin ang napaka romantiko na gabi? Di kaya, ganon ang gagawin niya?

Waaaaaaaaah! Baka hindi ko kayanin at himatayin ako sa sobrang saya at kilig?! Paano naman kong himatayin ako? Edi mawawalan ng halaga ang surpresa niya?

Nooooo! Hindi dapat ako himatayin! Magpapa-schedule nalang ako kong kailan ko gustong himatayin! Wag lang maudlotang ang date namin ni Honeybunch. Makikiusap ako sa kapalaran na sana pumalpak siya minsan. Dahil pag hindi ay magagalit talaga ako sa kanya at tatalikuran na siya!

Naalala ko ang mukha ni Wanton kahapon. Ang ngiti sa aking labi ay kumawala at sa sobrang laki ay nag-aalala ako na baka mapunit.

Ehhhhh, niyaya talaga ako. Niyaya niya talaga ako. Ehhhhh, ang ganda ko naman. Pakiramdam ko ay naungusan ko na si Taylor Swift. Hehehe.

At dahil sa sobrang inabsurb ni Wanton ang utak ko ay nakalimatan kong mag-aral ulit para sa exam ngayong darating na huwebes.

"Ang saya mo ngayon ah?" Napaangat ako ng tingin. Nakita ko kaagad si intsik sa aking harapan.

Umupo siya sa bench na inuupuan ko at nginisihan ako.

"Anong meron?" Tanong niya.

Umirap ako pero nakangiti pa rin."Masama bang maging masaya?"

"Hindi naman. Ang masama ay ang ngumingiti ka mag-isa."

"Ba't naman masama?"

"Bakit ka ba masaya?" Tanong niya ulit.

Mas lalo tuloy akong napangiti nang maalala ang dahilan kong bakit ako masaya ngayong araw.

Masaya ako dahil may date ako!

"Kailangan ba may dahilan para maging masaya ang isang tao?" Saad ko.

"So, wala kang dahilan?"

"Wala..."

"Edi baliw ka nga."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang bulgar ng bibig ng walang hiyang lalaking 'to! Di man lang nagdalawang isip.

"Hindi ako baliw 'no!"

"So, anong tawag mo sa taong masaya ng walang dahilan? Ngumingiti ng walang dahilan? Di ba baliw?"

Chasing YouWhere stories live. Discover now