Skinhead
(Bakit saka lang dumadating ang inaasahan mo pagsumuko ka na?)
Ilang beses na akong tumingin sa salamin ngunit hindi pa rin ako nakukuntento. Busangot ang mukha ko habang pinapasadahan ang suot kong white t-shirt at jeans.
Nang tumunog ang aking cellphone ay doon lang ako nahiwalay sa salamin.
Kinuha ko ang aking cellphone sa ibabaw ng aking kama at binuksan ang mensahe ng isang unknown number na alam kong kay Wanton.
Unknown number: Where are you? Dalian mo.
Ngumiwi ako at tinignan ang orasan na nasa mesita sa gilid ng aking kama. Hindi ako makapaniwalang napatawa nang alas SAIS palang ng umaga. I can't believe this.
Hindi ako makapaniwala na gigising ako ng napaaga dahil sa parusang ibinigay niya sa akin. Sabado ngayon at ang dapat ginagawa ko ay humiga sa kama at gumising ng diyes.
Tinext niya ako kagabi na kailangan sumama ako sa practice nila sa basketball para taga bigay ng tubig o taga punas sa kanya. Seriouly? Pilay ba siya? Bakit ako pa ang magbibigay at magpupunas sa kanya gayong may kamay naman siya? O diba ang galing? Galing sa pagiging assistant ay nag-evolve sa pagiging mutchacha. Tsk. tinanggihan ko siya syempre dahil hindi ko pa siya kayang harapin dahil sa nangyari kahapon pero ang tukmol ay tinakot na naman ako. Kapag hindi raw ako pumunta ay gagawin niyang two months ang pagiging assistant ko!
Kaya ito ako ngayon. Kahit inaantok pa ay pilit bumangon. Okay, na'to kaysa naman madagdagan ng isang buwan ang pagiging assistant ko at makasama ko pa siya ng matagal!
Lumabas ako sa aking kwarto at nagpaalam na kay manang. Tulog pa si mommy kaya sinabi ko nalang sa kanya na sabihin niya na umalis ako pag-nagising na si mommy.
Hinatid ako ng driver namin sa school. Nagmamadali agad akong lumabas dahil kanina pa ako pine-pressure ni Wanton na dalian ko daw.
"Aw---aw!" Namilipit ako sa sakit nang aksidenteng naipit ang kamay ko sa pintuan dahil sa pagmamadali. Napatalon ako sa sakit at napakagat sa aking labi.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Rinig kong tanong ng aming driver.
Shit! This is all Wanton's fault! Pine-pressure niya ako, Damn!
"Yeah, I'm okay. Umalis ka na."
Nagmarsta na ako patungo sa gate. Agad naman akong pinapasok ng guard. Siguro alam na ng guard na'to na pupunta ako ngayon dahil kay Wanton.
When i reach the Basketball court ay rinig ko na ang pagdribble ng bola kahit nasa labas pa ako. Kumunot ang noo ko dahil sobrang aga naman yata nilang mag-training? Ganito ba sila katakot matalo? Sa bagay, ang tatayog ng mga pride nila.
Binuksan ko kaagad ang pinto ng court at tama nga ako. Nagsisimula na silang mag warm-up gamit ang bola. Marami sila. Nasa mga sampu ata sila o higit pa. Dagundong ng bola ang naririnig ko sa buong court. Nagpapasahan sila non.
Tuluyan na akong pumasok. Hindi alam kong isasara ko ba ang pinto. Hindi naman nakapatay ang ilaw sa loob kaya kitang-kita ko silang nag wa-warm up.
"O-Oh! Here comes your girl, Wanton Laurier!"
Agaran ang paghinto ng mga ginagawa nila para lang ilaan lahat ng atensyon sa akin. Uminit ang ulo ko sa salitang iyon ni Kalbo. Dediretso sana ako sa mga bleachers para hindi na sila maistorbo kaso napansin pa ako ng kalbong nilalang na ito.
Bakit kailangan ganon ang salita ng kalbong nilalang na ito sa akin?
Tumikhim ako. Hindi alam ang gagawin lalo na at lahat ng atensyon nila na sa akin na. Lalo na kay Wanton na papalapit na sa akin. Naramdam ko kaagad ang paghuramentando ng aking taksil na puso.
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...