Palayain
(Hindi man madaling magpalaya, ang mahalaga ay sinubukan mo kahit gusto mo pang panghawakan siya.)
"Wow ma'am! Ang ganda niyo po!" Sabi ng nag-aayos sa akin dito sa isang salon. Mangha ang kanyang mata sa make over na ginawa.
Tinagilid ko ang aking mukha. I smiled when I realize that I can't recognize my own self.
"Talaga?" Tanong ko.
"Opo! You look like a professional model!"
Hindi ako sigurado kong sinasabi niya lamang iyon sa akin para utuin ako o hangaan talaga ako. All in all, gusto ko naman ang bagong itsura ko ngayon. Mas komportable at nakakahanga.
I change the color of my hair. Kung dati ay itim ang kulay ngayon ay blonde na. Kung dati ay mahaba ngayon ay umikli na. Just like my way of putting make up. Nagbago na rin. Just like I dress, nagbago na rin.
Tumayo ako at tinignan ang sarili sa huling pagkakataon. I smirk before i finally going out from the salon.
I'm wearing a crapped top and a skinny jeans. With my sneakers on my feet. I feel like I'm one of those teenagers who lives in america.
Sinuot ko ang aking sunglasses sa aking mata at confident na naglakad.
Binuksan ko ang passenger seat at pumasok bago minaobra ng driver ang kotse.
Nang makarating sa school ay agad na akong lumabas. Nagmarsta ako patungong gate at papasok na sana pero hinarangan ako ng guard.
"Sino po sila?" Tanong niya.
I remember this guard. Siya 'tong guard na grabe kong makalait sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay then I removed my sunglasses.
"Estudyante ako dito." Saad ko.
Kumunot naman ang noo niya sa pagtataka. Itinagilid ko ng bahagya ang aking ulo at itinuro ang aking mukha."mmm?"
Lumaki naman ang mata niya nang makilala ako. "Witless Mendel? Is that you?"
Tumaas ang kilay ko. Hindi ako na inform na englishero na pala siya ngayon. Hindi kasi halata sa mangitim-ngitim niyang batok.
Ngumisi ako."The one and only."
Napasinghap siya at napatakip sa bibig na parang hindi siya makapaniwala.
Ang OA ng guard na 'to.
"Wow, ang ganda niyo na!" Sigaw niya.
"So, hindi ako maganda noon?"
"Medyo lang."
Aba!
Aish, ba't ba ako nakikipag-usap sa guard na 'to? Close ba kami?
"Ewan ko sa inyo. Tumabi na kayo at papasok na ako." Sabi ko at aamba sanang papasok na pero hinarangan niya ulit ako.
"Hindi pwedeng makapasok ang estudyanteng nakasibilyan miss." Aniya sa akin.
"Ngayon lang 'to manong. Papasukin niyo na ako dahil late na ako." Angal ko pa.
Umiling siya."Hindi pwede miss. Kami ang malilintikan pag hindi namin sinunod ang rule na ito."
"Secret lang naman natin 'to. Mag-uuniform naman ako bukas."
"Batas ay batas. Kailangan sundin. Umuwi ka nalang sa inyo para magbihis saka kita papapasukin."
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...