Favor
(Minsan kahit sobrang hirap kailangan magpalaya)
Sobrang naging busy ako as assistant ni Wanton Laurier nitong mga nakaraang araw sa pagsisimula ng foundation day ng aming paaralan. Halos gabi-gabi na akong umuuwi plus sinasamahan ko pa si Wanton sa pagpapraktis.
Hindi ko na masyadong nakakausap ang seven girls dahil ewan kung saan napadpad ang mga 'yon. Siguro'y naboboringan sila sa kasiyahan dito sa school. Hindi nila na a-appreciate dahil iba ang gusto nilang gawin.
Ako naman ay bukod sa pagiging busy ay namomoblima rin ako sa kaisipang kailangan kong dalhin si mama sa school para kausapin tungkol sa bagsak kong mga grado!
Nasobrahan yata ang pagiging masamang estudyante ko sa puntong naging critical na. Malala na yata ako. Naisip ko tuloy kong bakit pa ako naging ganito. Mukhang nakalimutan ko ng pahalagahan ang sarili ko at isipin ang mararamdaman ng nanay ko.
Sana pala hindi ko nalang ito ginawa nang dahil kay Wanton.
"Anong iniisip mo?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Wanton galing sa likod.
Hindi ko namamalayang nakatulala na pala ako sa kawalan sa kakaisip ng mga problema.
Nilingon ko ang mapupungay niyang mata.
Kahit kailan siguro hindi ako kailanman magsasawang titigan siya kahit habambuhay pa.
Tumingin ulit ako sa malawak na soccer field ng aming paaralan. Dumidilim na pero ito at naka-upo pa rin ako rito para pagmasdan ang napakalawak na soccer field na ito.
May event ngayong gabi pero hindi ko yata iyon makikita dahil pagod ang aking katawan at kaisipan.
"W-wala. Tumitingin lang ako sa malawak na soccer field na ito." Sagot ko.
Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Wanton dito. Ang naalala ko ay busy siya sa pakikipagusap sa isa niyang kasama.
Umupo siya sa tabi ko at tumingin din sa malawak soccer field. Nilingon ko siya at hindi ko naman ulit naiwasang humanga sa kanya. Ewan, pero kumikirot ang puso ko.
Naisip kong hindi manlang ba siya hihingi ng tawad sa hindi niya pagsipot noon sa park kung saan naging baliw na yata ako sa kakaiyak at basang sisiw na nilalamig na dahil sa malakas na ulan. Sobrang sakit ang ginawa niya noon. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na marinig ang rason niya kung bakit hindi siya nakarating.
"Wanton gusto ko sanang i-itigil na ang pagiging a-assistant ko s-sayo." Utal kong sabi dahil sa takot.
Hindi ko siya nakitaan ng reaksyon. Nanatili ang mga mata niya sa harap. Hindi ko tuloy nababasa kong ano ang iniisip niya.
"Why?" Sa wakas ay sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Bumuntong hininga ako."I-isang linggo na rin lang naman ang k-kulang kaya..."
"Kung ganon, may isang linggo ka pa para manatili sa akin." Aniya.
"May kailangan kasi akong asikasuhin. Hindi ko pwedeng ipagsabay ang pagiging assistant ko sa'yo sa aasikasuhin ko kaya maghahanap nalang ako ng iba bilang pamali---"
"Ayoko."
Napaawang ang aking mga labi. Bigla na rin nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"P-pero hindi ko kayang---"
"Then, let me know the thing you will be doing that will make you stop for being my assistant."
"I can't just tell you about my personal thi---"
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...