FrozeNote:
Hindi ko binasa ito kaya asahan ang mga kulang na mga letra at mga maling pagbaybay din ng mga letra. Asahan din ang mga maling gramatika. Ikakapasalamat ko ang lubos niyong pang-unawa :)
-----------------------------------------------
Gusto(Love has a two bridge and it's your choice to pick the bridge you want to use to pass through your destiny...)
"Madden!"Nabalik ako sa aking sarili nang marinig ang aking pangalan. Naglalakad ako noon sa hallway. Tulala dahil sa nalaman ko kay ma'am Salazar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Bumabalik pa rin sa aking isipan ang sinabi niya kanina.
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Gally na tumatakbo papunta sa akin.
Mabilis kong nakalimutan ang mga naiisip at napalitan ng ngiti ang mga labi ko.
"Gally!" Sabi ko at sinalubong siya ng yakap.
"Kamusta? Matagal din tayong hindi nagkita. Saan ka ba nagdiwang ng pasko?"
"Ah, sa California. Sorry hindi ko nabalita sa inyo. M-medyo naging busy..." Pagsisinungaling ko.
Ang totoo niyan nakalimutan ko. Ang nasa isip ko lang kasi noon ang mga pangyayari sa amin ni Wanton.
"Ikaw? Kamusta? Maligaya ba ang pasko mo?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Ayos lang naman. Masaya dahil kasama ko ang buong pamilya. Pumunta kami sa Paris."
Lumaki ang mata."Talaga? Wow! Siguro maganda roon?"
"Sobra! Ang daming magagandang lugar! Pinasyalan namin lahat at lahat ay nagpapicture ako!"
"Wow! Ang galing naman. Siguro may nakatagpo ka roon na ka 'Paris' mo?" Pagbibiro ko.
Ngumiti siya."Hindi ah!"
"Wag mong sabihing naiwan sa pilipinas?"
Tumawa siya."Baliw ka talaga!"
Nagtawanan kaming dalawa.
"Si Kylie pala nasaan?"
"Hindi ko alam. Siguro mamaya pa iyon papasok."
"Siguro hindi pa siya naka move on sa bagong taon kaya hindi pa pumasok!"
"Ah, sa London siya nag-celebrate ng pasko at bagong taon. Hindi ba siya nag-text sa'yo?"
"Ha? Bakit wala akong natanggap na mensahe?"
"Akala ko sinabi niya rin sa'yo."
Ngumuso ako."Ang daya talaga ng babaeng 'yon!"
Nagpaalam sa akin si Gally na aalis na siya. May klase pa raw kasi siya. Ako naman ay hindi alam ang pupuntahan.
Sabi ni ma'am Salazar sa akin na simula bukas sa ABM-1 na ako papasok. Pupwede na raw akong hindi pumasok ngayon doon sa section 3. Naisip ko naman na hindi ko dapat iyon gawing dahilan para hindi pumasok.
Kaya naman doon nalang ako nagtungo. Wala ng guro sa aming classroom. Nilingon agad ako ni Leslie nang makita saka nginitian.
"Congrats. Makakalipat ka na." Pagbati niya sa akin nang naupo ako sa aking silya.
Sinuklian ko ang kanyang ngiti. "Salamat."
"Masaya ako para sa'yo, Madden. Magagawa mo na ring patunayan sa mga humuhusga sa'yo kung gaano ka katalino."
YOU ARE READING
Chasing You
Teen FictionWitless Madden Mendel is a typical student who's crazy in love with the guy named Wanton Chase Laurier, a typical cold heartthrob basketball player who hate Witless Madden Mendel to the depth and next. He treated her cold, he let her feel that she's...