Chapter Twenty Seven

66 2 0
                                    



Friendship



(People live their life to where they are comfortable, something that you always missed from the very beginning)





"Hey, Wit, kamusta na pala kayo ni Jake? Natuloy ba ang date niyo?" Leslie asked me habang papunta na kami sa classroom.

I shrugged and I continue walking.

"Oh baka naman hindi mo siya sinipot? Come on, tell me!" Aniya ulit pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.

"Wit, are you okay? Ba't hindi ka nagsasalita?"

"Pagod lang ako, Les. Can we talk some other time? I'm not in the mood." Sabi ko sa kanya.

She stared at me for a while before she finally sigh. Umupo ako sa aking upuan at nag-umpisang nalunod sa sarili kong pag-iisip hanggang sa namalayan ko nalang na dumating na ang aming guro at nag-umpisang magturo.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na agad ako. Hindi ko na hinintay si Leslie at dire-diretso lang ang lakad ko palabas ng classroom.

"Witless!"

Inignora ko ang tawag ni Leslie. Pero naabutan niya ako dahil sa ginawang pagtakbo.

"Witless, May problema ka ba? You look miserable. You can tell me kung may problema ka. I'm willing to listen."

Huminto ako at hinarap siya. Alam kong hindi dapat ganito ang trato ko sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan. But I know, magiging ganito pa rin ang trato ko sa kanya kong hindi ko aayusin ang sarili ko.

"Aalis na ako sa grupo niyo." Sabi ko.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Natigilan siya at nanlaki ang mata.

"W-what?"

"I'm sorry, Leslie but I realized this is not what I want. I don't want to hurt others for the sake of my happiness. I don't think I'm willing to belong in your group."

Napabunting hinga siya matapos akong titigan ng matagal.

"I understand. I just hope we could still be friends. Alam ko ang pinagdadaanan mo at I'm willing to help you, Wit. I'm willing to be your friend. Minsan lang makahanap ng kaibigang katulad mo kaya sana kaibigan pa rin kita."

Napangiti ako. I'm glad mayroon pang mga taong gusto ako sa kabila ng mga pagkakamali ko. I'm glad their are few people who see's me deep in side sa kabila ng binabato sa akin ng ibang tao.

Their are still people who appreciate and want my existence.

It's been three days, since that they happened. Hindi na ulit kami nag-usap ni Wanton pagkatapos non. Ako naman ay nagfocus sa pag-aaral ko. I don't know how to confront my mother about my performance at school. I don't want see her reaction. I don't want to hurt her. She's the only family I have. Siya lang ang nagtaguyod sa akin at ang isiping binalewala ko ang paghihirap niya ay mas lalong nagpapalukot sa aking puso.

I'm selfish. Kaya siguro marami ang ayaw sa akin. Marami ang lumalayo sa akin.

I wonder kung anong 'yong nagawa ko na ikinasasaya ng iba? Lahat yata ng pinanggagawa ay ayaw ng iba. Pakiramdam isa akong taong lahat ng ginagawa ng mali sa tingin ng iba. Posible pala iyon? 'Yong mararamdaman mo na wala ka ng maski isang ginawang tama dahil sa pinaparamdam ng ibang tao sa'yo?

"Miss, Mendel, I just want to remind you about this coming Friday. I need to talk to her." Paalala sa akin ng aking advicer.

"Yes ma'am. Hindi ko po kakalimutan."

Chasing YouWhere stories live. Discover now